Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Xi'an, lunsod na may natatanging kulturang pangkasaysayan

(GMT+08:00) 2013-07-09 16:25:10       CRI

Ang pamanang kultural ay isang pintuan para malaman ang kasaysayan at ipinakikita rin nito ang pag-unlad ng sangkatauhan. Bilang kabisera ng labintatlong (13) dinastiya noong sinaunang panahon, ang Xi'an ay may mahigit tatlong libong (3,000) taong kasaysayan at naging kabisera ng Tsina sa loob ng mahigit isang libo't isang daang (1,100) taon. Mayaman ang uri ng pamanang kultural ng Xi'an; at ngayong gabi, tutungo tayo rito, para makita at madaraman ang natatangi nitong kulturang pangkasaysayan.

Ang narinig ninyong obra ay tinugtog sa pamamagitan ng Xun, isang instrumentong musikal. Ang Xun ay natuklasan, sa isang paghuhukay sa Banpo, Xi'an. Makikita sa Banpo ang sibilisasyong Tsino, pitong libong (7,000) taon na ang nakakaraan. Nakakalungkot at malalim ang tunog ng Xun, kaya, tinatawag ito ng mga sinaunang tao na "tinig ng taglamig."

Ngayon, malawakang ginagamit ang Xun sa mga bandang nasyonal at espesyal na gumagawa ng obra ang mga musiko para sa instrumentong ito.

Mga Mandirigmang Terra Cotta at mga Kabayong Terra Cotta ni Emperador Qin Shihuang

Ang pinakabantog na bagay sa Xi'an ay mga Mandirigmang Terra Cotta at mga Kabayong Terra Cotta ni Emperador Qin Shihuang, at itinuturing itong "Eight Wonder of the World." Noong 221BC, itinayo ni Qin Shihuang ang unang centralized state ng Tsina na may multi-rasyal na mga mamamayan. Bago mamatay, ginawa niya ang malaking musoleo para sa sarili. Noong dekada sitenta (70), sa isang maliit na nayon na malapit sa musuleo ni Emperador Qin Shihuang na kung tawagin ay Xiyang, nagbabaon ng tubo upang gumawa ng poso sina Yang Zhifa, Yang Peiyan, at iba pa, sa kabutihang-palad, aksidente nilang natuklasan mga terra cotta. Mula noon, naipamalas sa buong daigdig ang mga Terra Cotta Warriors at Terra Cotta Horses ni Emperor Qin Shihuang.

Ang mga Terra Cotta Warriors at Terra Cotta Horses ay mga mortuary objects ng musoleo. Bawat araw, maraming turistang dayuhan ang dumadalaw upang tingnan ang mga ito. Hindi lamang kahanga-hanga at malaking lugar ang saklaw ng musoleo, kundi, ang mga nahukay na relikya ay napakaganda rin. Ang mga sundalo at kabayo na yari sa putik ay kaparehong laki ng mga tunay na sundalo't kabayo. Ipinakikita nito ang situwasyon ng hukbo ni Emperador Qin Shihuang, gaya ng uri ng baluti't kasuotan, mga sandata, at pormasyon ng hukbo. Ang pagtingin sa mga Terra Cotta Warriors at Terra Cotta Horses ay parang pagsusuri na rin sa hukbo ng Qin. Pagkarang bisitahin ang mga Terra Cotta Warriors at Terra Cotta Horses, sabi ni Antonio, isang turista mula sa Venezuela na:

Mga kasangkapang tanso sa Shaanxi History Museum

Dahil sa mahabang kasaysayan at makasaysayang pook at relikya, itinuturing ang Xi'an na likas na museong pangkasaysayan. Ang Shaanxi History Museum ay isa ring bantog na lugar sa Xi'an. Mahigit tatlong daa't pitumpung (370,000) libo ang eksibit sa museong ito. Ang mga ito ay kinabibilangan ng mga simpleng kasangkapang bato, kasangkapang tanso, terra cotta, kasangkapang ginto at pilak, miyural, at iba pa.

Labing walong (18) set sa mga eksibit ay ang relikyang may lebel na nasyonal. Isa sa mga ito ay ang Gilded Ox Head Agate Cup ng Tang Dynasty. Napag-alamang ito ang pinakamahalagang relikya ng Shaanxi History Museum. Ayon sa mga dalubhasa, ang Gilded Ox Head Agate Cup ay isang kasangkapan para sa pag-inom, at palagiang ginagamit ito sa mga seremonya at sakripisyo. Anila, ito ay nagpapahiwatig ng kapangyarihan at yaman ng bansa, at isa ring maringal na gawang-sining. Ayon pa sa mga dalubhasa, ang Gilded Ox Head Agate Cup ay posibleng isang regalong tributary ng mga bansa sa gitna o kanlurang Asyano sa Tang Dynasty. Mayroon itong mahalagang katuturan, at ito rin ay napakahalagang relikyang nalikha sa pagpapalitan ng sibilisasyon ng silangan at kanluran.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>