|
||||||||
|
||
Yang Rou Pao Mo o Pita Bread Soaked in Lamb Soup
Ang Lunsod ng Xi'an sa Lalawigang Shaanxi ng Tsina ay may mahigit 3100 taong kasaysayan. Kilalang kilala ito hindi lamang sa mga tourist spots na gaya ng Emperor Qin Shihuang's Terra-Cotta Warriors and Horses at Dayan Pagoda, kundi maging sa katangi-tanging kultura ng pagkain nito. Ang mga makukulay na lutuing lokal na gaya ng Yang Rou Pao Mo o Pita Bread Soaked in Lamb Soup, Liang Pi o Steamed Cold Noodles, Rou Jia Mo o Shaanxi Hamburger, Sao Zi Mian o Qishan Noodles with Ground Pork, Shui Jing Bing o Crystal Cake, Huang Gui Shi Zi Bing o Persimmon Cakes with Sweet Osmanthus, Rou Wan Hu La Tang o Pepper and Chili Soup with Meat Balls, at iba pa, ay nakakapagpatakam ng mga panauhin mula sa iba't ibang sulok ng daigdig. Sa ating palatuntunan ngayong gabi, kasiyahan natin ang masasarap na pagkain sa Xi'an.
Habang naglalakad sa mga kalye ng Xi'an, makikita ninyo ang iba't ibang uri ng masasarap na lutuing lokal. Bilang isa sa mga lumang kapital ng Tsina, taglay ng mga pagkain ng Xi'an ang katangian ng magkakaibang lugar, lahi at kultura. Ibig sabihin, ang pagtikim sa pagkain ng Xi'an ay para ring proseso ng pag-aaral ng kultura at kasaysayan ng lunsod na ito.
Rou Jia Mo o Shaanxi Hamburger
Taga-Xi'an ang mahigit 80 taong gulang na si Ginoong Zhang. Nang mabanggit ang katangian ng pagkain ng kanyang lupang-tinubuan, sinabi niyang kahit ang lutuing Shaanxi o lutuing Xi'an ay hindi inilakip sa 8 pinakamalaki't kilalang lutuing Tsino, makikita ng bawat manlalakbay sa Tsina ang kani-kanilang paboritong pagkain dito.
"Ang pinakakilalang pagkain dito ay Pita Bread Soaked in Lamb Soup. Katangi-tangi rin ang ibang mga pagkain na gaya ng Steamed Cold Noodles at Shaanxi Hamburger. May ilang katangiang panlahi ang lutuing Xi'an, dahil ito ang lumang kapital ng 13 dinastiya sa kasaysayan ng Nasyong Tsino."
Malapit sa rehiyong pastulan ang lunsod ng Xi'an, kaya masagana ang karne ng baka at karne ng tupa. Noong sinaunang panahon, ang Pita Bread Soaked in Lamb Soup ay kumatawan sa kulturang royal. Pagkaraan ng ilang dinastiya, unti-unti nang kumalat sa lipunan ang naturang lutuin. Ngayon, nagsisilbi itong isa sa mga lutuing karapat-dapat na tikman ng mga manlalakbay na Tsino't dayuhan sa Xi'an.
Sa kalye ng kaugaliang Muslim ng Xi'an, nakatagpo ng mamamahayag ang dalawang estudyente mula sa Changchun Architecture and Civil Engineering College. Sinabi nilang ikinagulat nila ang walang kasindaming uri ng pagkain sa Xi'an. Bago ang biyahe, itinakda nila ang konkretong plano para tikman ang lahat ng mga masasarap na pagkain dito.
Liang Pi o Steamed Cold Noodles
Ang Liang Pi o Steamed Cold Noodles ay isa pang pampalusog na pagkaing lokal. Ang pangunahing sangkap nito ay harina o pulbos ng bigas, at makakabuti ito sa pali at puso. Lalo na kung tagsibol at tag-init, dahil mainit at tuyo ang klima sa Xi'an, ang masarap na Steamed Cold Noodles ay nakakapagpabawas ng init sa loob ng katawan.
Tulad ng sabi ni Antonio Molina, isang Venezuelan na visiting scholar sa Xi'an University, ang halina ng pagkain ay nasa pagtikim ng mga pagkaing lokal; malalaman ninyo rito ang kasaysayan at kultura ng isang lunsod. Kasing-kaakit-akit ng Terra-Cotta Warriors and Horses at lumang circumvallation ang masasarap na lutuing Xi'an.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |