|
||||||||
|
||
"Ang Lutuing Hui, isa sa 8 pangunahing istilo ng pagkaing Tsino, ay nagmula sa Jixi. Ang Huizhou inkstick, isang kilalang produktong kultural ng Tsina ay galing din sa Jixi. Bukod pa riyan, kilala rin ang Jixi sa mga arkitektura ng isitilong Hui at maraming kilalang taga-Jixi sa kasaysayan ng Tsina."
Ang Jixi ay isang nayon na nasa dakong timog ng lalawigang Anhui. Sa kasaysayan ng Tsina, ang Jixi ay nabilang minsan sa estado Hui mula Song Dynasty hanggang Qing Dynasty na sumasaklaw ng lalawigang Anhui at bahagi ng lalawigang Jiangxi ng Tsina ngayon. Ito rin ang ugat ng kulturang Hui na may impluwensiya sa kabuhayan, sining, arkitektura, medisina, edukasyon at literature ng Tsina.
Longchuan County
Hanggang sa kasalukuyan, nananatili pa rin ang istilo ng sinaunang anyo ng mga arkitektura dito sa Jixi. Ang Longchuan county ay isang county ng Jixi na may mahigit 1600 taong kasaysayan. Ang apelyido ng mahigit 90% ng mga mamamayang lokal ng Longchuan ay Hu. Dito sa Longchuan, nakakakita ng mahigit 300 buo at preserbadong sinaunang arkitektura at pamanang pangkasaysayan. Ang ancestral hall ng pamilya ni Hu ay isang halimbawa ng mga ito.
Ancestral hall ng pamilya ni Hu
Ang ancestral hall ay isang espesyal na lugar na ginamit ng isang pamilya noong sinaunang panahon ng Tsina para mag-alay sa mga ninuno. Ito rin ay ginagamit ng pamilya para ipagpatuloy ang mga pinsipyo ng pamilya at turuan ang mga bata.
Noong unang panahon, ang mga taga-Jixi ay kilala dahil sa kanilang tagumpay sa negosyo at pulitika. Ang naturang kalagayan ay may kinalaman sa nabanggit na papel ng mga ancestral hall.
Halimbawa ang ancestral hall ng pamilya ni Hu, ay may lawak na 1564 metro-kuwatrado. Ang istilo ng mga arkitektura nito ay Ming Dynasty (1368A.D.-1644A.D.), pero ang istilo ng mga muwebles at palamuti ay batay sa Qing Dynasty (1644A.D.-1911A.D.).
Nililok na kahoy
Ang mga nililok na kahoy ng nasabing ancestral hall ay nagpapakilala sa Tsina dahil sa maningning na desenyo at kahusayan ng paglilok. Ang nilalaman ng mga ito ay may kinalaman sa mga hayop, halaman, tanawin at kuwento para ipakita ang mga magagandang hangarin sa pamumuhay. Halimbawa ang lotus flower at crab, ang mga ito sa pananalitang Tsino ay nangangahulugan ng harmonya para maging maharmonya ang pamumuhay ng buong pamilya.
Kilala rin ang Jixi sa masasarap na pagkain. Ang pagkain ng Jixi ay pangunahing bahagi ng Hui cuisine, isa sa 8 pangunahing istilo ng pagkaing Tsino. At masarap talaga ang mga putahe ng lutuing Hui. Ang pangunahing katangian ng lutuing Hui ay ang paggamit ng mga halaman at hayop na nakatira sa bundok. Ang paraan ng pagluto nito ay gumagamit ng maraming mantika at ibang mga pampalasa at sangkap na pangkulay.
Bukod pa riyan, kilala rin ang mga miryenda sa Jixi, lalo na ang Taguo. Ang pagkaing ito ay parang pizza ng ibang mga bansa. Pero magkaiba ang paraan ng pagluluto. Una pinalibutan ng arina ang mga stuffing, tapos gagawin itong parang pie at priprituhin sa kawali. Mahalimuya at masarap ang mga ito.
Ang mga stuffing ng Taguo ay kinabibilangan ng mga prutas at karne. Maaring manatiling sariwa ito nang ilang araw. Kaya noong araw, ginagamit ito ng mga mangangalakal bilang pangunahing pagkain kapag bumibiyahe papunta sa malayong lugar.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |