|
||||||||
|
||
Maarte20130528.m4a
|
Leonie: may katapat nga iyan sa ibang bansa. familiar na familiar kaya ang sound.
Candy: maganda iyang tugtugin sa mga cafe-bars at hotel lobby bars. easy listening kaya.
Manuela: i don't think it is as easy to play as it appears.
Techie: isa ako sa avid listeners ng inyong program. oks na oks ang dating sa akin. malamig sa tenga ang music.
Vic: hindi pala kinakalabit ang kuwerdas. ginagamitan ito ng hammer parang sa piano. interesting instrument.
Brix: slide na lang ang kulang parang hawaiian guitar na, hehehe...
Carol: thanks for sharing with us all these things. this is real treasure.
Poska: this is another unique type of Chinese traditional instrument. Quite unheard of, but worth knowing.
Mato: gud pm po. your program is sweet music to my ear, hehehe...
Tanong ni Rodel: alay, ke hirap namang kalabitin niyaan! ano gang kuwirdas ang ginagamit diyaan?
Ang kuwirdas na ginagamit sa Yangqin ay yari sa asero. Noong sinaunang panahon, yari ito sa tanso, hehehe…
Maraming maraming salamat po sa inyong pagsubaybay at pagkatig, mga kaibigan!
Ipagpapatuloy natin ang pagtalakay sa isa pang klase ng tradisyonal na instrumentong Tsino— percussion musical instruments. Isasalaysay ko sa inyo ang Luo o Chinese Gong at Gu o tambol.
Bakit ko isasalaysay nang magkasama ang dalawang instrumento? Kasi, sa Tsina, palagiang magkasamang tinutugtog ang Luo at Gu. Sa wikang Tsino, may mga idioms tungkol sa Luo at Gu, gaya ng Qiao Luo Da Gu, Luo Gu Xuan Tian, at iba pa, na nangangahulugang malaking tinig sa mga enggrandeng okasyong gaya ng Lion dance, kasal, at aktibidad ng mga pangkat pansayaw.
Maarte20130528sound1.m4a
|
Ang narinig ninyo ay tunog ng dalawang uri ng Luo.
Ang Luo ay isa sa mga tradisyonal na percussion instrument ng Tsina. Malawakan itong ginagamit sa iba't ibang okasyon sa apat na sulok ng bansa.
Ang unang mga gumamit ng Luo sa Tsina ay ang mga pambansang minoriya na naninirahan sa rehiyon ng timog kanlurang Tsina. Pagpasok ng ikalawang siglo, kasunod ng mas malimit na pagpapalitan ng kultura ng iba't ibang nasyonalidad, ang Luo ay unti-unting pumasok sa interyor ng Tsina.
Ang Luo ay ginamit na sa iba't ibang lugar at okasyon, kaya sa proseso ng pag-unlad nito sa mahabang panahon, lumitaw ang iba't ibang uri ng Luo. Hanggang ngayon, may mahigit 30 uring matatagpuan sa iba't ibang purok, nguni't dalawang uri lang ang palagiang ginagamit: Daluo at Xiaoluo o malaking gong at maliit na gong.
Ang Daluo ay 30 hanggang 100 sentimetro ang diyametro, at isa ito sa pinakamalaking uri ng Luo. Ang tunog nito ay malawak at malalim, malambot at mahimig ang tone flavor, at mahaba ang alingawngaw nito.
Ang Xiaoluo naman ay may tatlong uri, ayon sa taas ng tono: Gaoyinluo na mataas ang tono, Zhongyinluo na katamtaman ang tono at Diyinluo na mababa ang tono. Ang tatlong uring ito ay 21 hanggang 22.5 sentimetro ang diyametro. Ang mga ito, pangunahin na, ay ginagamit na pansaliw sa mga opera, iba't ibang porma ng folk performing art at mga sayaw-bayan.
Maarte20130528sound2.m4a
|
Ang narinig ninyong obra ay pinamagatang "Roll Call of Soldiers by The King of Qin." Tinugtog ito gamit ang Gu.
Ang Gu o tambol naman ay isa sa mga popular na percussion instrument ng Tsina. Maagang isinilang ang Gu at ito ay may mga 3,000 taong kasaysayan. Noong sinaunang panahon, ang Gu ay hindi lamang ginagamit sa mga aktibidad na gaya ng pag-aalay ng sakripisyo, awit at sayaw, ginagamit din ito sa panahon ng digmaan at sa pananakot ng mga hayop. Ang Gu ay ginagamit din noong sinaunang panahon bilang kasangkapan sa pagbibigay-alarma.
Handscroll detail of a Chinese percussionist playing a drum for a dancing woman, from a 12th century remake of Gu Hongzhong's 10th century originals, Song Dynasty
Ang modernong gu
Marami-rami ang uri ng Tambol: Yaogu, Dagu, Tonggu, Huapengu at iba pa. Ang Yaogu ay may apat na uri, at ang tunog nito ay malutong. Lagi itong ginagamit na pansaliw sa dance music.
Ang Yaogu
Kapwa ang Luo at Gu ay hindi lamang matatagpuan sa Tsina. Mayroon ding ganito sa ibang bansa sa daigdig. Ibat-iba ang klase, hitsura o puksyon, pero, pare-pareho ang paraan ng pagtugtog.
An agung, a type of Philippine hanging gong used as part of the Kulintang ensemble
A gong collection in a Gamelan ensemble of instruments - Indonesian Embassy Canberra
A Java-Bali style Gong, hanging in a frame
A very large nipple gong at a Buddhist temple in Thailand
Several American Indian-style drums for sale at the National Museum of the American Indian
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |