|
||||||||
|
||
Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.
|
Para sa Mga Pinoy sa Tsina ngayong gabi hatid namin ang panayam ng Serbisyo Filipino kay Sen. Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr.. Kinatawan ng Pilipinas ang Senador sa katatapos lang na High-level People-to-People Dialogue ng Tsina at Timog Silangang Asya sa Nanning, Guangxi, Tsina.
Panayam kay Senador "Bongbong" Marcos
Sa panayam ng Serbisyo Filipino, natalakay ang kanyang mga panananaw hinggil sa lagay ng relasyon ng Pilipinas at Tsina.
Napag-usapan rin ang pwedeng maging papel ng mga organisasyong di-pampamahalaan at ugnayan sa pagitan ng mga mamamayan para mas umigting ang pagkakaibigan ng Tsina at mga bansa sa Timog Silangang Asya.
Si Senador "Bongbong" Marcos (gitna), kasama sina Li Feng (kaliwa) at Ramon Escanillas Jr. (kanan), mga mamamahayag ng Serbisyo Filipino ng CRI
Nagbalik tanaw si Senador Marcos sa panahon ng pagkakatatag ng bilateral na relasyon ng Pilipinas at Tsina noong dakada 70. Kasama siya sa unang delegasyong dumalaw sa bansa na nakipag usap sa mga lider Tsino para ilagak ang pundasyon ng mapagkaibigang ugnayan ng dalawang bansa. Ibinahagi niya ang saloobin sa kasalukuyang lagay ng relasyong Sino-Pilipino.
Pakinggan po natin si Ramon Escanillas Jr. kasama si Sen. Bongbong Marcos sa audio link sa itaas, mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |