|
||||||||
|
||
Magmula sa "Hardin ng Eden" hanggang sa "Nakabiting Hardin ng Babilonya," sa mula't mula pa'y ang mga hardin sa ibat-ibang sulok ng daigdig ay matagal nang gumaganap ng kamangha-mangha at misteryosong papel sa sibilisasyon ng tao, at sa pagpapakita ng damdamin.
Gusaling estilong Europeo
Sa katunayan, matagal na rin itong alam ng mga Tsino; kaya naman, sa mahigit tatlong libong (3,000) taong kasaysayan ng sibilisasyong Tsino, makikitang nakapagdebelop sila ng sariling estilo ng paghahardin, na maaring ikumpara sa mga hardin ng Kanlurang Asya at Europa.
Mga bulaklak ng Garden Expo
Sa kasalukuyan, patuloy na nagpupunyagi ang Tsina upang pabutihin ang kalidad ng pamumuhay ng mga mamamayan nito, at maging isang lakas-tagapagpasulong ng ekonomiya at kapayapaan sa daigdig, habang pinapangalagaan ang kalikasan. Kaya naman, noong nagdaang Mayo ng kasalukuyang taon, binuksan sa pampang ng Ilog Yongding ng Distrito ng Fengtai, Beijing ang Ika-9 na Internasyonal na Eksposisyong Panghardin ng Tsina.
Gusaling estilong Gitnang Silangan
Hardin ng sinaunang Tsina
Hardin na estilong Ezhou
Ito ay isang primera klaseng kaganapan sa mundo ng paghahardin, kung saan ipinakikita ang ibat-ibang estilo ng internasyonal na hardin at apatnapu't pitong (47) rehiyonal na hardin ng Tsina.
Ito ay ginaganap minsan sa loob ng dalawang taon, at patuloy itong itatampok sa loob ng anim (6) na buwan. Ito rin ay magbibigay ng pagkakataon sa lahat ng Tsino't dayuhan upang matutunan ang hinggil sa horticulture at magkaroon ng pagpapahalaga sa kagandahan ng kalikasan.
Hardin na estilong Jinan
Hardin na estilong Suzhou
Ang lugar na pinagdarausan ng Ika-9 na Internasyonal na Eksposisyong Panghardin ng Tsina ay may lawak na limang daan at labintatlong (513) ektarya: ito ay dating tambakan ng basura. Sa pamamagitan ng restorasyong ekolohikal, nagkaroon ng transpormasyon ang lugar na ito sa isang "green miracle."
Hardin na estilong Taiwan
Mga eskulturang gawa sa halaman
Bukod sa mga hardin, ang nasabing expo ay mayroon ding mga Museo ng Harding Tsino: dito makikita kung paano pinaunlad ng mga sinaunang Tsino ang kanilang estilo ng paghahardin.
Hardin na estilong Guangdong
Paano Mararating:
Subway
Sumakay sa Beijing Subway Line 10: pagdating sa Xiju Station, lumipat sa Line 14, at bumaba sa Garden Expo Park Station.
Bus (Araw-araw)
Sakyan ang alinman sa mga bus na may numerong 327, 385, at 952, at bumaba sa istasyon ng Manshuiqiao. Mula rito, maari nang lumakad papunta sa Garden Expo.
Espesyal na Linya ng Bus (Weekdays at Holidays)
(Bayad: 5 RMB para sa 15 kilometro, pababa: at 10 RMB naman para sa mas malayo kaysa 15 kilometro. Ang mga discount at traffic cards ay hindi maaring gamitin).
Special Bus Line 1 – Beijing South Railway Station hanggang Garden Expo Park (20 kilometro)
Special Bus Line 2 – Beijing West Railway Station hanggang Garden Expo Park (Mga 16 kilometro)
Special Bus Line 3 – Wulu Public Transport Station hanggang Garden Expo Park (Mga 16 kilometro)
Special Bus Line 4 – Xiju hanggang Garden Expo Park (Mga 12 kilometro)
Entrance Fee: 100RMB
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |