Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

DICK SALDO: Pamahalaan ng Shijiazhuang at ang mga Programang Pangkultura Nito

(GMT+08:00) 2013-07-17 17:42:40       CRI

Gaano man ang paghahanda, minsan di pa rin maiiwasan ang pagdanas ng culture shock kapag tumira sa ibang bansa. Tulad ng maraming mga Pilipino, nanibago ng malaki si Dick Saldo ng una niyang marating ang Tsina.

Si Dick ay isang guro na nagtuturo ng Ingles sa Hutchin School sa Shijiazhuang. Pitong taon na siyang naninirahan sa lungsod na ito. Mahirap man ang kanyang adjustment, naka-alpas siya dahil na rin kinilala niya ang lugar. Kinilala nya ang mga tao. At sa proseso napamahal sa kanya ang lugar kaya nagtagal din siya dito.

Si Dick Saldo

Ani Dick, sa Shijiazhuang ramdam niya ang init ng pagtanggap ng mga tao sa dayuhang tulad niya. Mapagkaibigan ang mga taga Shijiazhuang kaya naman tumagal siya sa kanyang trabaho. Ang biro niya may "celebrity status" ang mga gurong Pilipino di lang sa Shijiazhuang, maging sa ibang mga lugar sa lalawigan ng Hebei.

Dagdag ni Dick masigasig ang pamahalaan ng Shijiazhuang sa pagpapakilala ng kulturang Tsino sa mga dayuhan. Isang halimbawa nito ang pagdiriwang nila ng Duan Wu Jie. Taon-taon kasali sa mga aktibidad ang mga laowai at kasama nilang nagsasaya ang mga kaibigang Tsino.

Si Dick Saldo, kasama ang mga guro sa Shijiazhuang at ang dalawang mamamahayag mula sa Serbisyo Filipino ng CRI

Nang tanungin kung ano ang pangarap ni Dick Saldo para sa lungsod na itinuturing niyang ikalawang tahanan, sagot niya "Sana patuloy itong umunlad at dalawin ng mga dayuhan. Sana sa darating na panahon, kasabay ng pag-unlad ng Shijiazhuang maging mas azul ang kalangitan at mas luntian ang kapaligiran. "

Pakinggan ang buong panayam sa tulong ang audio plug-in sa itaas. Mas mainam kung gagamit ng Internet Explorer.

Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>