|
||||||||
|
||
Para sa maraming Pinoy na nasa Tsina (isa na ako roon), isa sa mga pinakamahirap gawin ay ang pagpapagupit. Dahil sa pagkakaiba ng wika at mga terminolohiyang ginagamit, medyo mag-aalangan ka sa iyong unang pagbisita sa barberya.
Sa sandaling ikaw ay maupo sa silya ng barbero, magdadalawang-isip ka kung tama ba ang sinabi mong gupit, naintindihan ba ng barbero ang gusto mong sabihin, magiging katawa-tawa ba ang iyong gupit, o magmumukha kang artista pagkatapos kang gupitan?
Bukod sa mga salitang chang (长, mahaba) at duan (短, maikli), narito ang iba pang salitang inyong magagamit para mas maging kaaya-aya ang pagbisita ninyo sa barberya.
Gusto kong magpagupit: 我想理/wō xiǎng lǐfà.
Bawasan mo lang ng kaunti: 我想简单修剪一下/wō xiǎng jiǎndān xiūjiǎn yíxià.
Lagyan mo ng layer: 请剪出层次感/Qǐng jiǎn chū céngcì gǎn.
Gupit semikalbo: 剪平头/Jiǎn píngtóu.
Nipisan mo lang: 请把我的头发打薄/Qǐng bǎ wō de tóufà dǎbáo.
Kaunting bawas lang at hayaan mong humaba: 稍微修剪一下,不要剪太短/ Shāowēi xiūjiǎn yíxià, búyào jiǎn tài duǎn.
Huwag mong putulin ang patilya: 请留着鬓角胡子/Qǐng liú zhe bìnjiǎo húzì.
Gupit Mohawk: 请剪一个马希坎式发型/Qǐng jiǎn yígè măxīkăn shì fàxíng.
Estilo
Gusto kong magpakulot: 我想做卷发/Wō xiǎng zuò juǎnfà.
Gusto kong magpa-blow dry ng buhok: 请用吹风机吹干我的头发/Qǐng yòng chuīfēngjī chuī gān wǒ de tóufà.
Gusto kong magpakulay ng buhok: 请给我染发/Qǐng gěi wǒ rǎnfà.
Lagyan mo ng highlight ang buhok ko: 请给我部分染发/Qǐing gěi wǒ bùfèn rǎnfà.
Syampu: 洗发水 xĭfàshuĭ
Kondisyoner: 护发素 hùfàsù
Mousse: 定型摩丝 dìngxíng mósī
Gel: 啫哩 zhělí
/end/Rhio Zablan
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |