Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Pilipinong pintor, kalahok sa ASEAN-China Youth Artists' Workshop Exhibition

(GMT+08:00) 2013-07-23 16:59:50       CRI

Para sa episode ng "Mga Pinoy sa Tsina" ngayong gabi, tutunghayan natin ang panayam ng Serbisyo Filipino kay Katrina Tuazon, Pilipinong pintor na kalahok sa ASEAN-China Youth Artists' Workshop Exhibition. Ito ay ginanap kamakailan sa punong himpilan ng ASEAN-China Center (ACC), sa Beijing.

Si Katrina Tuazon (Larawang kuha ni Rhio Zablan)

Sa panayam, napag-usapan ang papel ng sining patungo sa mas malalim na pag-unawa sa kultura ng Tsina at mga bansang ASEAN.

Nailahad din kung paano nabuo ang mga obrang nakadispley sa eksibisyon, at ang mga magagandang tanawin ng Tsina, na naging inspirasyon upang mabuo ang mga obra.

Limampung (50) obra hinggil sa kalikasan at kultura ang ipinakita sa nasabing eksibisyon. Ang mga ito ay idinibuho ng mga pintor, base sa kanilang pagdalaw sa mga lugar na gaya ng Great Wall of China, Forbidden City, 798 Artists' Street, Bundok Yuntai, Longmen Grottoes, Templo ng Shaolin, at marami pang iba.

Mga pintor ng ASEAN-China Youth Artists' Workshop Exhibition (Larawang kuha ni Rhio Zablan)

Ang mga kalahok mula sa mga bansang ASEAN ay sila Katrina Tuazon (Pilipinas), Nabil Fikri Bin Haronli (Brunei), Mick Saylom (Laos), Khin Htet Wai (Myanmar), Marvin Chew (Singapore), Phattaraporn Leanpanit (Thailand), at Ngo Duong (Vietnam).

Pakinggan po natin ang panayam ni Rhio Zablan kay Katrina Tuazon sa pamamagitan ng pag-click ng link sa itaas.

Para sa mas maginhawang pakikinig, gumamit lamang ng browser na Internet Explorer.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>