Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Vicente Maligad Jr: Tugtugan para Kumita, Tugtugan para sa Pananampalataya

(GMT+08:00) 2013-07-30 17:39:49       CRI

Dekada 90 nagsimula si Vicente Maligad Jr., o mas kilala bilang Enteng, sa pagiging propesyunal na musikero. Mula Davao, nagpunta siya ng Maynila at pagkatapos magka-experience, lumipad patungo sa mga kapitbansa sa ASEAN para magbigay saya kasama ng kanyang banda. 1997 dinala sya ng pagkakataon sa Beijing. At mula noon tuloy tuloy na ang kanyang pagiging musikero sa Tsina.

Tatlong taon nang tumutugtog sa Paulaner Beijing si Vicente "Enteng" Maligad Jr.

Ayon kay Enteng $1000 kada buwan ang kita ng entertainer abroad. Pero hindi lahat ay inaalok ng working visa at di rin binibigyan ng magandang employment package. Ito aniya ang isa sa malaking kahirapan ng trabahong ito.

Si Enteng, kasama ang mga Katolikong Pilipino sa South Cathedral, Beijing

Bukod sa pagtugtog para kumita, si Enteng ay tumutugtog din para sa pananampalataya. Tuwing linggo sa South Cathedral, sa Xuanwumen, Beijing, kasama ni Enteng ang mga kababayang Pinoy ay umaawit para sumigla ang misa.

Tuwing Linggo ng umaga, pinasisigla ni Enteng, kasama ng mga Pinoy na miyembro ng choir sa South Cathedral Beijing, ang Misa

Ilang beses na ring sinubukan ni Enteng na mag-iba ng trabaho, pero tila ang pagiging musikero ang tadhana sa kanya ng langit. Kaya hanggat tinatangkilik gabi-gabi mapapanood siya sa entablado ng Paulaner sa Beijing, nagbibigay saya at ipinakikita ang galing ng Pinoy sa pag-awit.

Sa kanyang libreng oras, nagtuturo rin si Enteng ng tennis

Pakinggan po natin ang buong panayam ni Machelle Ramos kay Enteng sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Para sa mas maginhawang pakikinig, gumamit lamang ng browser na Internet Explorer.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>