Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Guangzhou at ang mga Oportunidad na Handog nito sa mga Pilipino

(GMT+08:00) 2013-08-05 16:32:41       CRI

Kung pagbabatayan ang bilang ng mga Pilipino sa lunsod ng Guangzhou, Guangdong, Tsina pwedeng sabihing ito ay isang lugar na hitik sa oportunidad. Dahil ito ay maunlad, alok nito ay di-mapapalampas na pagkakataon para umangat sa trabaho. Ang lugar ay itinuturing ng maraming mga Pilipino bilang kanilang ikalawang tahanan.

Sina Lele at Machelle kasama si Consul General Raly Tajeda (gitna)

Dalawang taon nang nanunungkulan si Consul General Raly Tejada ng Konsulada ng Pilipinas sa Guangzhou. Ayon sa kanya, sa Guangzhou ipinagmamalaki niya ang ambag ng libu-libong mga Pilipinong propesyunal sa patuloy na pag-asenso ng lungsod. Karamihan sa mga Pilipino rito ay guro nang Ingles. Marami rin ang nasa professional services na hawak ay mataas na posisyon sa maraming kumpanyang dayuhan sa Guangzhou. Dagdag ni ConGen Tejada sila'y pinagkakatiwalaan at pinahahalahagan kaya naman marami ang tumagal ng sampung taon sa kanilang kumpanya. Matiwasay ang buhay ng maraming Pinoy sa Guangzhou at ito'y dahil na rin sa mabuting pakikitungo at bukas na kaisipan ng mga taga-Guangzhou sa mga dayuhan.

Si Melecio Gumboc ay 9 na taon nang nagtratrabaho sa Guangzhou. Siya ang nag-iisang Pilipino sa Herrenknecht, isang kumpanya sa tunnelling na pag-aari ng mga Aleman. Nakita niya ang pagbabago sa Guangzhou at manghang-mangha siya sa mabilis na pagtatayo ng mga imprastruktura na pundasyon sa pagsulong ng kaunlaran sa Guangzhou.

Samantala bagong dating si Titus Thattalil sa Tsina, wala pa siyang isang taon dito. Pero napuna na niya ang malaking kaibhan ng takbo ng Business Processing and Outsourcing Industry sa Guangzhou kung ihahambing sa Maynila. Ani Titus, ito'y well-coordinated at may malinaw na vision o plano para sa hinaharap.

Sa industriya ng garments o paggawa ng damit nagtratrabaho si Robert Villare. Halos 6 na taon na siya sa Tsina at dahil sa trabaho nabigyan siya ng pagkakataon na marating ang iba't –ibang lugar kabilang ang Shanghai, Ningbo at Zhengzhou. Kung may sabi-sabi ng paghina di nya ito ramdam dahil malaki at malakas pa rin ang kumpanyang pinagtratrabahuan niya.

Mula kaliwa Mga miyembro ng FilKom kabilang sinaTitus Thattalil, Erlie Pilar, Machelle Ramos (CRI), Melecio Gumboc at Robert Villare

Bilang isa sa mga tagapangulo ng FilKom, grupo ng mga Pilipino na nasa Guangzhou may payo si Erlinda Pilar sa ating mga kababayan, "Pag nasa ibang bansa kasi tayo representative tayo ng Pilipinas, so be Mr. Philippines o Ms. Philippines. Kusi yung mga tao na taga ibang bansa na first time nila maka-meet ng Pilipino kung ano ang nakikita nilang treatment nyo o ginagawa nyo yun ang benchmark nila o pagka-kilala nila sa rest ng kababayan natin. Be a good representative of the Philippines. "

Sinusugan ito ni ConGen Tejada sa kanyang paalala para sa mga Pilipino, "Always keep your country in mind and continue doing work so that our host here the Chinese people will see you as a good representation of your country. So that they will look to you as a friend and as a good neighbor."

Higit sa pagiging mga empleyado o manggagawa, ang mga Pinoy sa Guangzhou ay tunay na sagisag ng mga bagong bayani ng lahing kayumanggi.

Pakinggan po natin ang buong panayam sa pamamagitan ng audio link sa itaas. Para sa mas maginhawang pakikinig, gumamit lamang ng browser na Internet Explorer.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>