|
||||||||
|
||
Davao Cultural Festival
|
Bagamat isang modernong lunsod, napanatili pa rin ng Davao ang mayamang kultura nito.
Isang di malilimutang karanasan ang naghihintay sa mga turista dahil maraming pwedeng gawin sa pinakamalaking lunsod sa buong Pilipinas.
Kasalukuyang ginaganap sa Marco Polo Parkside Beijing ang Philippine Cultural Festival kung saan tampok ang Davao. Ito ay itinatataguyod ng Beijing Office ng Kagawaran ng Turismo.
Si Eden Larano-David, Chief Tourism Operations Officer ang Davao Region habang kasama si Machelle Ramos ng CRI
Sa media presentation ipinakilala ni Eden Larano-David, Chief Tourism Operations Officer ang Davao Region. Ibinahagi nya ang mga makabagong mga hotel at resorts na handang magbigay ng akomosdasyon sa mga turista. Ipinaliwanag din nya ang iba't ibang mga aktibidad na pwedeng gawin sa mga eco-adventurers. At higit sa lahat inisa-isa nya ang mga likas yaman na tanging sa Davao lang makikita.
Si Chef Gene Gonzalez
Pagdating sa pagkaing Pinoy di matatawaran ang kaalaman ni Chef Gene Gonzalez. Bagamat isa syang establisadong chef at matagumpay na restaurateur patuloy ang kanyang pananaliksik para mas makadiskubre ng mga likas na pagkaing Pilipino. Ang mga lutuin ni Chef Gene ang tampok sa Davao Food Festival kung saan hain nya ang mga malinamnam na sangkap mula sa rehiyon ng Davao.
Alimango sa Aligue at Adobo del Diablo
Bulcachong at Pancit Luglug
Mga putahe na hain sa Carving Station ng buffet
Ani Chef Gene ang "food diplomacy" ay isang magandang paraan para mabawasan ang tensyon sa pagitan ng dalawang bansa. At maaring maging daan ang pagkain para mas maging magkaibigan ang mga Tsino at Pilipino.
Ang sayaw na Singkil
Bukod sa pagkain mapapanood din ang pagtatanghal ng Kalumon Performing Ensemble na ang handog ay musika mula sa mga katutubong instrumento tulad ng kulintang at ganding. Matutunghayan rin ang sayaw na Subanen, Binaylan. T'boli, Kabpa Malong Malong, Kuntao at Singkil.
Sina Ramon at Rhio sumasayaw kasama ng Kalumon Performing Ensemble
Ang Davao Food and Culture Festival ay tatagal hanggang ika-27 ng Setyembre, 2013 sa Café Marco ng Marco Polo Parkside Hotel, Beijing.
Ang buong 15-minutong programa na may kumpletong interbyu ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |