|
||||||||
|
||
Ang artikulong ito ay isang gabay para sa mga Pilipinong nagnanais magtayo ng negosyo sa Beijing, ngunit nag-aalangan dahil sa kakulangan sa impormasyon. Ang mga ito ay gabay lamang at kinakailangan pa rin ang pagsangguni sa mga may-kinalamang departamento ng pamahalaang Tsino para sa mas koordinado, eksakto, at detalyadong hakbang sa parerehistro ng negosyo.
Saan mang dako ng mundo, ang pagtatayo ng isang "wholly foreign-owned enterprise" (WFOE) ay komplikado, at bilang isang expat, laging mas mabuti kung sasangguni sa isang eksperto. Narito ang ilang hakbang para mas mapadali ang inyong pagrerehistro.
Unang Hakbang: Pagsasaayos ng Dokumento
Kailangan ninyo ng dalawang (2) set ng mga dokumento para maumpisahan ang pag-aaplay ng WFOE. Ang unang set ay mga dokumento mula sa Pilipinas, kasama na ang certification of lawful tax history, kopya ng inyong pasaporte, at kopya ng inyong bank statement. Ang pangalawang set ng dokumento ay kinabibilangan ng kopya ng inyong pasaporte, resume ng inyong Tsinong abogado at Tsinong company supervisor, office address sa Tsina, kopya ng inyong kontrata sa pag-upa ng opisina, at sertipikasyon ng inyong pagmamay-ari ng real-estate.
Ikalawang Hakbang: Pagpaplano ng negosyo
Kailangan ninyong magsumite ng panlimahang-taong plano na nagpapakita sa direksyon na gusto ninyong tahakin ng inyong kompanya. Kailangan din ninyo ng walong (8) potensyal na pangalan sa wikang Tsino para sa inyong kompanya. Bumisita lamang sa anumang lokal na sangay ng State Administration of Industry and Commerce (SAIC) upang makita kung ano ang mga available na pangalan.
Ikatlong Hakbang: Paglilisensya ng negosyo
Dalhin ang inyong mga dokumento sa Ministry of Commerce o sa Foreign Economical Cooperation Bureau upang makakuha ng sertipikasyon. Pagkatapos, bumalik sa SAIC para sa pag-aaplay ng temporary business license. Kapag nakakuha na kayo ng lisensya, maari na kayong kumuha ng business' official "chop" sa Public Security Bureau (PSB) at mag-aplay ng Organization Code License sa Technical Supervision Bureau (TSB).
Ikaapat na hakbang: Pangangasiwa sa pera
Para mai-set-up ang pinansya ng inyong kompanya, kailangang kumuha ng Tax Certificate sa Taxation Bureau at paaprubahan ito sa State Administration of Foreign Exchange (SAFE). Siguraduhin ding magbukas ng isang lokal na account para sa inyong negosyo at maglagay ng inisyal na deposito. Pagkatapos, kumuha ng Capital Verification Report sa isang Certified Public Accountant (CPA).
Ikalimang hakbang: Mga huling detalye
Mag-aplay ng permanent business license sa SAIC. Panghuli, irehistro ang inyong negosyo para sa financial certificate, kumuha ng statistics license at import/export license.
End/Rhio Zablan//
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |