|
||||||||
|
||
Philippine MICE Mart
|
Sa pangunguna ng Kagawaran ng Turismo, itinampok sa Beijing ang Philippine MICE Mart at kasama rito ang ilang mga kilalang hotel, resorts at travel agencies na naglalayong makaakit ng mga kumpanya at grupong Tsino na gawin sa Pilipinas ang kanilang mga aktibidad na may kinalaman sa MICE.
Ano nga ba ang kahulugan ng MICE? Ang MICE ay nangangahulugang meetings, incentives, conventions and exhibitions. At ang karanasan ng Pilipinas sa pagtataguyod ng mga ganitong aktibidad ay nagsimula noon pang dekada 70.
Si Jazmine Esguerra,Tourism Attache ng DOT sa Beijing
Sa pambungad na pananalita ng Tourism Attache ng Pilipinas na si Jazmine Esguerra ibinahagi niya na napakaraming mga proyektong pangimprastruktura ang ginagawa sa Maynila. Sa susunod na taon inaasahang mas dadami ang hotel room supply at matutugunan nito ang malaking bilang ng MICE delegates.
Panayam ni Machelle kay Jersey Mojica ng Bellevue
Marami sa mga tampok na hotels at resorts ay sumusubok sa kauna-unahang pagkakataon na mag-promote sa Tsina. Kabilang dito ang The Bellevue Hotels. Ayon kay Jersey Mojica, Sales Manager ng nasabing hotel na inaasahan niyang sa darating na mga taon na mas lalaki ang interes ng mga Tsino sa pagpasyal sa Pilipinas.
Si Patty Villareal, Dusit Thani Manila (C) Jersey Mojica at Mavic Recio ng The Bellevue (R) at mga kinatawan ng Fairways & Bluewater at Marriot Hotel Manila(L)
Samantala isa sa mga hangad ni Patty Villareal, Director of Sales ng Dusit Thani Manila na suportahan sana ng pamahalaan ang industriya ng MICE at itampok rin ang Maynila bilang isang distinasyon sa bansa.
Si Wison Techico, VP ng Uni-Orient Travel kasama ang mga kinatawan ng The Peninsula Manila at New Goldmines
Ang Uni Orient Travel Inc. ay isang establisadong kumpanya na may higit 30 taong karanasan sa industriya ng turismo. Bukod sa MICE Mart sumali rin ang mga delegado ng Pilipinas sa China Incentive Business Travel Meetings Exhibition na ginanap sa National Convention Center ng Tsina dito sa Beijing. Ayon kay Wilson Techico, Vice President ng Uni Orient mabunga ang resulta ng kanilang pagsali.
Sa kabuuan maaring sabihing mga binhing itinanim ang katatapos na Philippine MICE Mart sa Beijing. Matapos ang ilang taon, umaasa ang mga kinatawan mula sa Pilipinas na ang magiging bunga sana nito ay ang pagtangkilik ng dambuhalang merkado ng business at incentives clientele na Tsino.
Ang buong 15-minutong programa na may kumpletong interbyu ay mapapakinggan sa tulong ng audio plug-in sa gawing itaas ng pahinang ito. Gumamit ng internet browser na may pinakabagong bersyon ng Flash Player. Ang player ay dapat lumabas sa ilalim ng pamagat ng episode na ito.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |