Ang Serbisyo Filipino ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI) ay magdaraos ng isang charity bazaar para sa mga biktima ni Bagyong Yolanda (Haiyan) sa Samar, Leyte, Cebu, at Bohol.
Sa Miyerkules at Huwebes, ika-20 at ika-21 ng Nobyembre, magbebenta po kami ng mga produkto ng Oishi tulad ng fruit juice, tsitsirya, at iba pang bagay sa lobby ng CRI canteen, mula alas-onse ng umaga (11:00AM) hanggang alas-dos ng hapon (2:00PM).
Para naman sa mga hindi makakapunta sa nasabing oras at araw, maari rin pong dumalaw sa tanggapan ng Serbisyo Filipino, sa 9th Floor CRI Building, Room A-910 mula alas-nuwebe ng umaga (9:00AM) hanggang alas-onse ng umaga (11:00AM) at alas-dos ng hapon (2:00PM) hanggang alas-siyete ng gabi (7:00PM), araw-araw, mula Miyerkules, ika-20 ng November.
Ang lahat ng kikitain ay ibibigay sa Gawad Kalinga (GK), para ibili ng pagkain, gamot, tubig, at iba pang saligang pangangailangan ng ating mga kababayang naapektuhan ni Yolanda.