|
||||||||
|
||
Sa pangunguna ni Guro Rhio M. Zablan ng National Arnis Association of the Philippines (NARAPHIL) at sa ilalim ng pahintulot ng Radyo Internasyonal ng Tsina (CRI), binuksan noong Enero 2014, ang libreng pag-aaral ng ating pambansang larong Arnis para sa lahat ng Pilipino, mga dayuhan, at kaibigang mga Tsino na nasa Beijing.
Mga mag-aaral ng Arnis sa Tsina
Sa ngayon, mayroon na pong mahigit 15 regular na mag-aaral, mula sa loob at labas ng CRI. At dahil sa patuloy na pagsikat nito, inaasahan ang lalo pang pagdami ng mga lalahok sa pagsasanay. Narito po ang ilang video sa aming pagsasanay noong March 20.
Si Guro Rhio M. Zablan
Ang Arnis ay katutubong sining-Pilipino at isa ring napakagandang uri ng ehersisyo at sistema ng pagtatanggol sa sarili.
Mga mag-aaral ng Arnis sa Tsina
Ayon kay Guro Rhio Zablan, ang layunin ng kanyang pagtuturo ng Arnis ay palakasin at palalimin ang pag-uunawaan ng mga Tsino at mga Pilipino. Aniya pa, nakapaloob sa Sining ng Arnis ang libu-libong taong kasaysayan at kultura ng Pilipinas, kaya isa itong napakagandang paraan upang palakasin at palalimin ang pagkakaibigan ng mga Pilipino at Tsino.
Ang pagsasanay ay libre!
Kaya, tara na, humataw na, kada Huwebes, alas-dose hanggang alas-dos ng hapon!
Sa mga interesadong magsanay, magtungo lang po sa Guo Guang Gong Yu, 16-A Shijingshan Road, Beijing, (Ito po ay 5 minutong lakad lamang mula sa Babaoshan Subway Station).
Para sa karagdagang impormasyon at mga katanungan, tumawag o mag-text lamang sa mga numerong 131-2025-9779 o 134-6676-4266 at hanapin si Rhio o Ramon.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |