Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Tulay ng Lugou at Bayan ng Wanping

(GMT+08:00) 2014-11-14 10:43:47       CRI

Bibiyahe tayo papuntang Tulay ng Lugou, o mas kilala sa tawag na Marco Polo Bridge. Ito'y isang makasaysayang tulay sa Beijing, kung saan sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Hapon at Tsina noong World War II.

Ang Tulay ng Lugou ay matatagpuan sa Fengtai District, sa dakong Timog Kanluran ng Beijing. Ang tulay ay nasa Ilog ng Yongding. Itinayo ang tulay noong 1189, pero, nawasak ang orihinal na tulay dahil sa baha at muli itong itinayo noong 1698 sa pamamahala ng Dinastiyang Qing. Ang kasalukuyang tulay na nakatayo ay may mahigit 300 taong kasaysayan, at ito ang pinakasinaunang Union Arch Bridge sa Beijing na gawa sa bato.

Nang dumalaw sa Tsina si Marco Polo, nakita niya ang tulay ng Lugou. Sa kanyang aklat na pinamagatang "Travels of Marco Polo," ipinakilala niya ang Tsina sa mga Europeo. Dito, nakasulat ang kanyang pagpasyal sa Tulay ng Lugou. Aniya, ito ay isang malaki at kahanga-hangang stone bridge at katangi-tangi sa buong daigdig. At dahil sa kanya, tinawag ng mga Europeo ang Tulay ng Lugou bilang "Marco Polo Bridge."

Mayroon 11 arch ang tulay, 266.5 metro ang kabuuang haba nito, at 7.5 metro ang lapad. Dalawangdaa't walumpu't isa (281) ang haliging bato sa magkabilang panig nito, at sa itaas ng bawat haligi ay may sculpture ng leon. Magkakaiba ang pustura ng bawat leon. Sa ilang haligi, may isang leon lamang, at sa ibang haligi naman, may isang malaking leon at mga maliit na leon, na parang ina at mga anak. Marami talaga ang mga leon sa Marco Polo Bridge. Tulad ng sabi ng isang matandang kasabihan sa Beijing—— "Lions on Lugou Bridge ay countless." Gayunpaman, ayon sa tala, ang bilang ng mga leon ay 501. Kung papasyal ka sa tulay ng Lugou, puwede mong bilangin ang mga leon doon.

At ayon pa rin sa "Travels of Marco Polo," dahil sa mga leon, ang tulay ay naging isang magandang landscape ng lunsod.

Isang museo ang matatagpuan, malapit sa tulay, ito ang Museo ng Lugou. Kung bibili ka ng ticket para sa Lugou Bridge Park, kasama na roon ang museo. Sa loob ng museo, makikita ang mga litrato at historical relic na nagpapakita ng kasaysayan ng tulay at mga lugar sa paligid. Ang iron rhino ay isa sa mga historical relic, natuklasan ito sa pampang ng Ilog Yongding, malapit sa tulay ng Lugou. Ang iron rhino ay may mahigit 1,000 taong kasaysayan, mas sinauna kaysa sa tulay ng Lugou. Hanggang ngayon, sinasaliksik pa rin ng mga siyentipiko ang papel nito. Ayon sa mga kuwento, bago itayo ang Lugou Bridge, ginamit di-umano ng mga tao ang iron rhino bilang pundasyon ng tawiran sa tubig. Bukod sa iron rhino, may isa pang stone rhino sa museo, marami ang nagsasabi na ang papel nito ay pareho sa iron rhino. Ayon sa alamat, ang mga tao, isang libong taon na ang nakakalipas ay naniniwalang, ang rhino ay may magic power na makakatulong sa pagpigil ng baha.

Ang Tulay ng Lugou ay matatagpuan sa Ilog Yongding. Ang ilog na ito ang pinakamalaking ilog sa Beijing at tinatawag na "mother river" ng Beijing. Noong 1698, ipinasiya ni Emperador Kangxi ng Dinastiyang Qing na isaayos muli ang ilog at Tulay ng Lugou. Sa kasalukuyan, naroon pa rin ang isang tablet na itinayo noong panahon iyan, na nagpapakita ng kuwento at dahilan ng pagsasaayos ng ilog at tulay. Matatanaw rin sa paligid ng tulay ang isa sa 8 pinakakilalang landscape sa Beijing. Ito ay ang "Lu Gou Xiao Yue," at dito, may isa pang tablet na sinulat naman ni Emperador Qianlong ng Dinastiyang Qing. May apat na Chinese character ang makikita sa tablet, "Lu Gou Xiao Yue."

Sa wikang Tsino, ang "Lu Gou Xiao Yue" ay nangangahulugang "magandang buwan sa umaga sa Tulay ng Lugou." May tradisyon ang mga Tsino na tinatanaw ang buwan sa Mid-autumn Day. Aa araw na ito, ang buwan ay malaki at bilog. Kaya, bawat Mid-autumn Day, maraming tao at turista ang pumupunta sa Tulay ng Lugou para pagmasdan ang bilog na buwan at tulay. Makikita rin ang inverted image ng buwan sa ilog.

Huling isinaayos ang ilog at tulay noong 2011. Bago ito, tuyo na ang tubig sa paligid ng Tulay ng Lugou. Pero, ipinasiya ng pamahalaan ng Beijing na panumbalikin ang magandang tanawin sa paligid ng Tulay ng Lugou. Pagkatapos ng pagsasaayos, nabuo ang isang man-made lake, at sa kasalukuyan, puwede na ulit makita ang mga puting ibong nagtatampisaw sa tubig. Sa pampang ng ilog, mayabong ang damo, at mayroon na ring wayside pavilion. Ito ay mabuting lugar para sa picnic. Libre ang pagpunta sa lugar na ito. Ang rekonstruksyon ng ecological park ng Ilog Yongding, na may habang 170 km, ay umabot sa 17 bilyong yuan RMB. Ibig sabihin, 100 milyong yuan RMB ang inilaan para sa bawat kilometro.

Sa kasalukuyan, pinapaligiran ang lawa ng 10 kilometrong espesyal na daanan para sa mga bisikleta. Maraming propesyonal na riders at bicycle fans ang nagsasanay sa landas na ito.

Ang Tulay ng Lugou ay nasa pangangalaga ng Lugou Park, at ang ticket ay nagkakahalaga ng 20 yuan RMB. Ang museo naman ay matatagpuan sa harap ng tulay, at libre ang pagpasok dito. Kung gusto mo namang pumasyal sa pampang ng Ilog ng Yongding, sa ilalim ng tulay, puwede kang lumabas sa side gate. Tandaan lamang, keep your tickets, para kapag kayo ay babalik sa gate, hindi na kayo kailangang magbayad ulit.

Ang Bayan ng Wanping ay isang well-protected na sinaunang bayan sa dakong hilaga ng Tsina, kung saan matatagpuan pa rin ang dalawang gate. Ang buong bayan ay maliit, 640 metro lamang ang haba, at 320 metro ang lapad. Ito ay naging kilala dahil dito sa sumiklab ang digmaan sa pagitan ng Hapon at Tsina noong World War II. Ang pangyayaring ito ay tinatawag din bilang "Marco Polo Bridge Incident," ang Bayan ng Wanping ay naging saksing pangkasaysayan sa nasibing digmaan. Hanggang ngayon, makikita pa rin ang mga butas na gawa ng mga bomba ng tropang Hapones sa pader ng bayan. Isinaayos ng pamahalaan ng Beijing ang lumang pader noong 1984, pero, sadyang hindi ginalaw ang mga butas ng bomba bilang paggunita sa Anti-Japanese War. Bukod dito, makikita pa rin ang mga sinaunang stone brick sa loob ng bayan.

Ang Wanping ay isang bayang nasa ilalim ng pamamahala ng lunsod ng Beijing, simula noong halos isang libong taong nakalipas. Ang sinaunang bayan, na natatanaw ngayon ay itinayo noong AD 1637, sa Dinastiyang Ming. Noong panahon iyan, ang buong bansa ay nasasadlak sa mga digmaan, at ang Tulay ng Lugou ay mahalagang military post na malapit sa Beijing. Upang pangalagaan ang kapital, itinayo ng emperador ang Bayan ng Wanping bilang isang matatag na military base kung saan maraming sundalo ang nakatalaga. Pero, hindi nagtagal ang panahon iyan, bumagsak ang Dinastiyang Ming at sumunod ang Dinastiyang Qing. Sa Dinastiyang Qing, binago ang pangalan ng Wanping, at ginawa itong "Gongbei." Noong 1928, napanumbalik ang pangalang Wanping, at mula sa panahong iyan, ang bayan ng Wanping ay naalis na sa ilalim ng pamamahala ng lunsod ng Beijing. Inilagay ito sa pamamahala ng Lalawigang Hebei. Pero, sa kasalukuyan, ang Wanping ay hindi na isang tunay na bayan, ito ay isang national historic site na lamang.

Noong ika-7 ng Hulyo 1937, isang pagsasanay-militar ang idinaos ng mga tropang Hapones sa paligid ng Tulay ng Lugou. Sa gitna ng pagsasanay, ipinatalastas nilang nawala ang isang sundalong Hapones at dapat silang pumasok sa Bayan ng Wanping para hanapin ito. Tumanggi rito ang mga tropang Tsino, na nakatalaga sa loob ng Bayan. Pagkatapos, inilunsad ng tropang Hapones ang mga bomba at kinanyon ang Bayan ng Wanping. Dito, nagsimula ang sagupaan ng dalawang panig.

Ang tropang Tsino na nakatalaga sa Bayan ng Wanping ay ang 29th Corps ng National Revolutionary Army, tropang pampamahalaan sa panahong iyon. Sa tropang ito, bawat sundalo ay may espadang estilo ng sinaunang Tsina. Ito ang ginamit nila sa pakikipagsagupa sa tropang Hapones. Inulat ng mga kanluraning media ang sagupaang ito, at ito ay naging kilala kapuwa sa mga Tsino at komunidad ng daigdig. Kabilang sa mga media na nag-ulat sa nasabing sagupaan ay ang, The Illustrated London News ng Britanya; L'llustration at Le Monde Illustre ng Pransya; at Life ng Amerika. Ipinakita ng nasabing mga media, ang litrato ng mga batang sundalong Tsino, habang kipkip ang kanilang espada at nakahandang makipagsagupa sa tropang Hapones.

Dahil sa insidenteng ito, lumagablab ang apoy ng pagkamakabayan sa puso ng mga Tsino. Nang sumunod na araw, ipinatalastas ni Chiang Kai-shek ang pagsisimula ng digmaan laban sa Hapon. Noong panahon iyan, isang musician ang lumikha ng awitin para sa mga sundalo ng 29th Corps ng National Revolutionary Army. Ito ay pinamagatang "Espadang Lumaslas sa mga Mananalakay na Hapones" o tinatawag din na "Awit ng Espada." Mabilis na naging kilala ang awiting ito sa digmaan, at magpahanggang ngayon, kilala pa rin ito, bilang patriotic song ng Tsina.

Isang museo ang matatagpuan sa loob ng Wanping, ito ay ang Memorial Museum of Chinese People's Anti-Japanese War. Malaki ang museo, at sa square sa harap ng museo, naroon ang isang eskulturang tinaguriang "Awoken Lion." Ito ay simbolo ng pagkagising ng pagkamakabayan ng mga mamamayang Tsino laban sa pananalakay ng Hapon. May 7 lawn sa bawat panig ng museo: ito naman ay simbolo ng Ika-7 ng Hulyo, ang petsa kung kalian naganap ang "Marco Polo Bridge Incident."

Dito sa Memorial Museum of Chinese People's Anti-Japanese War idinaraos ang paggunita bawat taon. Noong ika-3 ng Setyembre, idinaos ang ika-69 na anibersaryo ng tagumpay ng Anti-Japanese War ng Tsina. Pumunta ang mga lider ng Tsina na kinabibilangan nina Pangulong Xi Jinping at Premyer Li Keqiang, sa Memorial Museum para magbigay-galang sa mga martir ng digmaan, kasama ang 1,500 kinatawan mula sa iba't-ibang sirkulo ng Tsina.

Pero, bakit Ika-3 ng Setyembre? Ipinatalastas sa radyo ng Emperador ng Hapon ang pagsuko noong Ika-15 ng Agosto 1945. Pero, noon lamang Ika-2 ng Setyembre 1945, lumagda ang pamahalaang Hapones sa kasunduan ng pagsuko. Ito ay nangangahulugang ganap na tagumpay ng Anti-Fascist War ng daigdig. Noong nagdaang Pebrero, sa paraang lehislatibo, itinakda ng Pirmihang Lupon ng Pambansang Kongresong Bayan ng Tsina (NPC) ang Ika-3 ng Setyembre bilang araw ng paggunita sa tagumpay ng Tsina laban sa Anti-Japanese War.

Sa labas ng pader ng lunsod, matatanaw din ang mga itim na bato kung saan inukit ang mga krimen ng mga mananalakay na Hapones sa mga civilian.

May isang matandang Muslim restawran sa labas ng silangang gate ng Wanping. Nakatikim ako ng beef noodles, BBQ, lamb soup at iba pa doon.

Ngayon, oras na para sa pasyal tips. Noong nakaraan, sinabi po naming sa inyo kung paano makapunta sa Lugou Bridge. Kung gusto po ninyong magpunta sa Wanping, pareho ang paraan.

Libreng magpunta sa sinaunang Bayan ng Wanping. Pagdating sa Tulay ng Lugou, makikita kaagad ang Bayan ng Wanping. Ito'y magkatapat lamang. Libre rin ang pagpasok sa Memorial Museum of Chinese People's Anti-Japanese War, pero, tandaan, dapat ipakita ang iyong passport sa mga staff para makapasok ng libre. Sarado ang museo bawat Lunes.

Ngayon, oras na para sa pasyal tips. Kung gusto ninyong pumasyal sa Tulay ng Lugou, sumakay sa Subway Line 1, pakanluran, papuntang "Pingguoyuan(苹果园) at bumaba sa Ba jiao you le yuan station(八角游乐园.) Paalala lang po: pagdating sa Ba jiao you le yuan station, ang anunsyo ay "Ba jiao lamang, sa halip na Ba jiao you le yuan." Huwag pong mag-alala, ito po ang tamang istasyon. Mula rito, sumakay ng taxi. Mga 9.2 km ang layo ng inyong destinasyon, at mga 30 yuan RMB ang pamasahe. Ang biyahe naman mula Ba jiao you le yuan hanggang Tulay ng Lugou o "Lugou Qiao卢沟桥" sa wikang Tsino, ay mga 20 minutos, depende sa kondisyon ng trapiko.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>