|
||||||||
|
||
Sa kauna-unahang pagkakataon, isinagawa ng Konsulado ng Pilipinas sa Shanghai ang naiibang Christmas party.
Isang batang ulila (kaliwa) ang nagkaroon ng bagong kaibigan mula sa IPSS (kanan) sa
Nitong Biyernes, ika 12 ng Disyembre, ginanap sa Shanghai Children's Home ang isang pagtitipon-tipon na dinaluhan ng mga kawani ng Konsulado, mga miyembro ng Filipino Community at mga mag-aaral ng International Philippine School in Shanghai (IPSS).
Ilang tagpo sa "Philippines Love Shanghai Kids" kung saan masayang pinanood ng mga batang ulila ang pagtatanghal ng mga mag-aaral ng IPSS. Bakas ang kasiyahan sa mga bata matapos tanggapin ang maagang pamasko mula sa Konsulado ng Pilipinas, IPSS, Dai-Ichi, FilComSha at Liwayway
Consul General Wilfredo R. Cuyugan habang iniaabot ang mga aklat at iba pang regalo kay Director Cai Xuan Xuan ng Shanghai Children's Home
Hangad ng aktibidad na ibahagi ang diwa ng kapaskuhan sa mga batang ulila at ipadama ang saya ng pagdiriwang ng Paskong Pinoy.
Consul General Wilfredo R. Cuyugan (kaliwa) kasama ang mga volunteers mula sa Filipino community na sina Edgardo Budoy, Grace Bunag, Maria Castro Grimnitz, Yvette Bautista, Michelle Teope Shen at Lee Mie Yee
30 batang may kapansanan ang nabigyan ng kasihayan at nanood sa pagtatanghal ng mga mag-aaral mula sa IPSS. Naghandog ang mga bagong kaibigan mula sa IPSS ng sayaw at mga kantang pampasko. Matapos nito magkakasama naglaro ang mga bata at masayang nagsalu-salo.
Mga kawani ng Philippine Consulate General, DOT
Bilang pamasko, inalay ni Consul General Wilfredo Cuyugan ang mga aklat at pambatang babasahin kay Director Cai Xuan Xuan ng Shanghai Children's Home.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |