Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Pasyal sa Subway]Caishikou Station ng Beijing

(GMT+08:00) 2014-12-29 14:53:34       CRI

Ang Caishikou sa wikang Tsino ay nangangahulugang "vegetable market." Mula noong Dinastiyang Ming, ga 600 taon na nakalipas, matatagpuan dito ang pinakamalaking pamilihan ng Beijing. At mula noong halos 400 taong nakalipas, itinayo ng Dinastiyang Qing ang kabisera nito sa Beijing. Ang Caishikou ay naging place of death penalty. Mayroon kasing tradisyon ang Tsina na itinatayo ang execution ground sa downtown o busy market.

Sa matandang lunsod ang Beijing, at ang Caishikou ay nasa dakong timog kung saan tumira ang mga mahirap na tao noong sinaunang panahon. Ito ang isa sa mga dahilan kung bakit binuo ang pamilihan ng gulay at itinayo ang place of death penalty dito. At dahil ang Caishihou ay matandang pamilihan ng Beijing, dito rin nagmumula ang maraming tradisyonal na meryenda ng Beijing. Mamaya ibibida natin ang mga meryendang ito.

Alam po ninyo, ang Beijing ay isang makasaysayang lunsod, kaya siguradong mag-e-enjoy kayo sa aming mga inihandang kuwentong pasyalan para sa inyo. Ang subway ng Beijing ay napakalawak. Sa kasalukuyan, mayroong 17 linya ang subway ng Beijing at ang bilang ng mga istasyon ay umabot sa 277. Mahigit 5.1 milyong person-time bawat araw ang sumasakay sa subway ng Beijing. Hindi lamang maginhawa, kundi mura ang ticket dito. Nitong 7 taong nakalipas, hanggang ngayon, ang ticket ng subway ay 2 yuan lamang, at ito ay hindi magbabago sa kahit anumang layo ang inyong destinasyon. Pero, ang bagong regulasyon hinggil sa pagpapataas ng presyo ay tinatalakay na, at sisimulan daw ito sa susunod na taon. Kaya, habang mura pa, subukan po ninyong pumasyal sa Beijing sa pamamagitan ng murang subway.

Sa episode na ito, bibiyahe tayo sa paligid ng Caishikou, isang transfer station ng line 4 at line 7.

Pagdating ng istasyon ng Caishikou, lumabas lang sa exit A patungong silangan. Maglakad ng mahigit 10 minuto, at darating ka ng Baoguosi. Ang Baoguosi ay isang sinaunang temple na may mahigit 600 taong kasaysayan. Pero, ngayon, ito ay hindi na isang tunay na temple, ito ay historical site na lamang. Ang temple ngayon ay kilala dahil sa Baoguosi Antique Bazaar" sa loob at paligid nito. Sa paligid ng Baoguosi, makikita rin ang historical site ng matandang pader ng lunsod ng Beijing noong Dinastiyang Ming.

Ang "Baoguosi Antique Bazaar" ay nasa loob at paligid ng Baoguosi. Maraming sinaunang item ng Tsina ang ibinibenta sa street stalls dito. Dito, makikita ang mga kawili-wiling antique. Ang Baoguosi ay pinakamatandang pamilihan ng mga matandang bagay ng Beijing. Binuo ito 300 taon na ang nakalipas. Pero, babala lamang po mga kaibigan, huwag maniniwala sa mga sasabihin ng mga tindero't tindera, hindi ang lahat ng mga antique ay totoo. Kung wala kang karanasan hinggil dito, mas maganda kung magwi-windoe shopping na lamang.

Kung lalabas ka sa exit D ng istasyon ng Caishikou at patungong timog silangan, darating ka sa isa pang temple, Fayuansi. Ang Fayuansi ay isang malaking temple, at ito ay may mahabang kasaysayan,1,300 na taon. Ngayon, ito ay hindi lamang isang temple pero ito rin ay ang Institute ng Buddhism ng Tsina. Ang Fayuansi ay kilala naman dahil sa tanawin ng clove flowers.

 

Fayuansi Temple

Sa silangan sa Fayuansi, may isang street na patungong timog: ito ay ang Niujie. Sa katunayan, kung sasabihing "Niujie," ang ibig-sabihin ay hindi lamang isang street, kundi isang rehiyon o komunidad. Ang "Niujie" sa Wikang Tsino ay nangangahulugang "cow street." Bakit tinatawag na "cow street?" Dahil mula noong unang panahon, ang rehiyong ito ay pinakamalaking komunidad ng mga Muslim sa Beijing. Ang karne ng baka ay ang pangunahing karne na kinakain ng mga Muslim at kumpara sa iba pang mga lahi, tunay na mahusay ang mga Muslim sa pagluluto ng karne ng baka. Kaya, ang rehiyong ito ay tinatawag bilang "cow street" o "Niujie" sa Wikang Tsino.

Muslim Mosque sa Niujie

Ang "Turpan restaurant" ay isang restaurant kung saan mabibili ang mga pagkain na may Xinjiang flavor. Ang Xinjiang ay Rehiyong Awtonomo ng lahing Uighur sa dakong hilagang kanluran ng Tsina. At ang karamihan ng mga naninirahan sa Xinjiang ay Muslim. Ang lahat ng mga tagapagluto at waitress sa "Turpan restaurant" ay galing sa Xinjiang. Matitikman mo ang tunay na Xinjiang flavor dito. Ang Turpan restaurant ay ang pinakamatandang restawran na may Xinjiang flavor sa Beijing. Ang mga pinakakilalang pagkain dito ay "Da Pan Ji", "Chao Kao Rou", "Hong Shao Niu Wei", "Yang Rou Chuan", "Kao Yang Tui" at iba pa.

Turpan restaurant

Ang "Da Pan Ji" ay "Braised Chicken with Potato and Green Pepper", ang "Chao Kao Rou" ay Fried BBQ, ang "Hong Shao Niu Wei" ay Braised ox tail in brown sauce, ang "Yang Rou Chuan" ay lamb kebabs at ang "Kao Yang Tui" ay "Roast legs of sheep". Ang mga taga-Xinjiang ay tunay na mahusay sa BBQ. Ang mga nasabing pagkain ay maari ring i-order sa ibang Xinjiang restaurant.

Da Pan Ji

Hong Shao Niu Wei

Chao Kao Rou

Kao Yang Tui

Kung gusto mo namang matikman ang pinakamasarap na hot pot, dapat pumunta ka sa "Jubaoyuan." Ang restawrang ito ay kilala sa lamb hot pot. Pinipili nila ang pinakamabuting lamb at ginagamit ang secret recipe sa soup. Ginagamit sa tradisyonal na hot pot ng Beijing ang copper pot.

Sa gitna ng cow street, may isang snack store na kung tawagin ay "Hong Ji Xiao Chi". Dito, pwede mong matikman ang iba't ibang masasarap na meryenda ng Beijing, halimbawa, "Lv Da Gun" "Wan Dou Huang", "Ai Wo Wo" at mga snack na gawa sa karne ng baka o tupa.

Hong Ji Xiao Chi

Ang "Lv Da Gun" ay Glutinous Rice Rolls with Sweet Bean Flour, "Wan Dou Huang" ay yellow split peas cake, "Ai Wo Wo" ay Steamed Rice Cakes with Sweet Stuffing. Ang lahat ng mga ito ay sweet at classical. Ang mga ito ay must-eat kapag bumisita sa Beijing.

Lv Da Gun

Wan Dou Huang

Ai Wo Wo

Sa tapat sa "Hong Ji Xiao Chi" snack store, may isang Muslim supermarket, at sa ika-2 floor ng supermarket, mayroon ding mga Muslim meryenda ng Beijing, at hindi lamang meryenda, mayroon ding mga pagkaing gaya ng beef noodles.

Muslim supermarket

Okay, oras na po para kami ay magpaalam. Sana ay kinagiliwan ninyo ang aming palatuntunan ngayong gabi. Para sa inyong mga komento at kuru-kuro, mag-email lamang sa filipino_section@yahoo.com, mag-text sa mga numerong 0947-287-1451/0905-474-1635, o mag-iwan lamang ng mensahe sa message board ng SPT

Para naman sa mga ka-FB natin, paki-like ang aming FB page na crifilipinoservice para sa mga update ng aming mga programa. Available na rin po ang aming mga programa sa podcast. Kaya, kung kayo po ay on-the-go, tamang-tama po ito para sa inyo. Ito po si Mac Ramos, ang inyong di-kagandahan pero loyal na pengyou.

Sa ngalan ng buong pamilya ng Serbisyo Filipino, ito po muli si Lakay Rhio, ang guwapong Tarlakenyo at inyong tunay na pengyou, kita-kits uli sa susunod na biyahe, dito lang siyempre…

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>