Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Beijing subway——Liang Ma Qiao

(GMT+08:00) 2015-02-20 18:16:09       CRI
Ngayong gabi, ipagpapatuloy natin ang biyahe sa pamamagitan ng subway ng Beijing. At sa episode na ito, papasyal tayo sa pali-paligid ng station Liang Ma Qiao sa Line 10.

Ang lugar sa paligid ng Liang Ma Qiao ay tinatawag na "rich neighborhood." Dito makikita ang mga pinakamayaman sa Beijing. Marami rin ditong 5 star hotel, primera klaseng shopping mall, kung saan ibinebenta ang mga luxury item at restauran kung saan napaka-mahal ng pagkain.

Bakit ang rehiyon ay naging "rich neighborhood?" Dahil matatagpuan dito ang mga embahada at Diplomatic Residence Compound (DRC). Noong nakaraan, bago isagawa ng Tsina ang patakaran ng reporma at pagbubukas sa labas noong nakalipas na dekada, marami sa mga Tsino ang hindi pa kasing yaman ng sa ngayon. Ang mga dayuhan, lalung-lalo na ang mga diplomatang galing sa mga maunlad na bansa ay naging tanging grupo na may-pera. Noong 1990's, matatagpuan din dito ang German Chamber of Commerce at mga bahay-kalakal ng Alemanya. Ang mga mangangalakal na Aleman ang kauna-unahang batch ng mga dayuhang mangangakal sa Beijing. Sila ay may-kaya kaysa karamihan sa mga Tsino. Kaya, noong 1990's, sinimulang itatag sa lugar na ito ang mga 5-star hotel at primera klaseng shopping mall.

Makikita sa lugar na ito ang Sheraton Hotel, Westin Hotel, Hilton Hotel, Four Seasons Hotel, at Kempinski Hotel. Ang mga ito ay international hotel. Bukod dito, mayroon ding mga Chinese 5-star hotel sa paligid ng Liangmaqiao. Halimbawa, Great Wall Hotel, ito ang kauna-unahang Chinese 5-star hotel sa Tsina. Ang hotel na ito ay kilala dahil sa isang top level club sa pinakataas na palapag. Ang Yan Sha shopping mall na binuksan noong 1992 ang siya namang kauna-unahang Chinese and Foreign joint ventures sa retail industry sa Tsina. At ito rin ang naging kauna-unahang shopping mall kung saan mabibili ang mga luxury item sa Beijing. Noong 1990's, ang Yan Sha ay sobrang kilala.

Ngayon, marami nang ganitong luxury shopping mall sa Beijing. Halimbawa, Guomao, Shimaotianjie, Jinyuan, Saite at iba pa. Parami nang paraming Tsino ang nagiging luxury

shopper, at hindi lamang sila bumibili ng luxury item sa Tsina, nagpupunta rin sila sa ibayong dagat para bilhin ang mga ito. Ito ngayon ay isa nang phenomenon sa bansa. Ang tanong, bakit gusto ng mas maraming Tsino na bumili ng luxury item sa ibayong dagat? Dahil sa mataas na tariff sa Tsina, ang karamihan sa mga luxury item na ibinebenta sa ibayong dagat ay mas mura kaysa presyo sa Tsina.

Bakit tinatawag na Liangmaqiao ang lugar na ito? Noong sinaunang panahon, dito makikita ang "Liangma River," kaya ang tulay na matatagpuan sa ilog ay pinangalanang "Liangma Bridge." Sa Wikang Tsino, ang tulay ay "Qiao." Kaya, ang purok sa paligid ng "Liangma Bridge" ay tawag na "Liangmaqiao." Pero, sa ngayon, wala na ang original na "Liangma Bridge," sa halip, may isang tulay na tinatawag na "Yansha Bridge" dahil ito ay ipinatayo ng Yansha shopping mall.

Sa paligid ng Liangmaqiao, makikita ang mga shopping mall, restawran at hotel. Ngayon, ang pinakakilalang shopping mall ay Solana, o "Lan Se Gang Wan" sa Wikang Tsino. Ang Solana ay hindi lamang isang shopping mall, kundi isang Lifestyle Shopping Park. Ito ang kauna-unahang Lifestyle Shopping Park sa Tsina. Ate Mac, pumasyal ka na ba sa Solana?

Dahil malapit sa Embassy area, marami ang mga dayuhan sa paligid ng Liangmaqiao, at marami rin ang mga restawran kung saan makakatikim ng pagkain mula sa iba't ibang bansa. Halimbawa, Arab restaurant, Indian restaurant, Japanese restaurant at siyempre, French restaurant, Spanish restaurant, Italian restaurant at iba pa.

Kung gusto mong pumunta sa Solana, sumakay lang ng taxi mula sa Liangmaqiao subway station. Ito ay malapit, halos 1 km lang ang layo at 14 yuan RMB ang pamasahe. Mas maganda kung sasabihin sat super ng taksi na "Lan Se Gang Wan" para mas madali nilang maintindihan kung saang lugar ninyo nais pumunta.

Mayroon ding iba't ibang maliit na restawran sa paligid ng Liangmaqiao. Halimbawa, Bao Yuan dumpling restaurant, isang restawran na tpatok sa masa, lalung-lalo na sa mga dayuhan. Ito raw ay nagbebenta ng pinakamasarap na dumpling sa Beijing. Ang dumpling dito ay hindi lamang puti, kundi colorful.

 

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>