Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Relasyon sa pagitan ng Pilipinas at Tsina higit na uunlad

(GMT+08:00) 2015-03-04 21:18:03       CRI

HIGIT NA GAGANDA ANG RELASYON NG PILIPINAS AT TSINA.  Ito ang sinabi ni Dr. Francis Chua, dating special envoy on trade at pangulo ng Federation of Filipino-Chinese Chambers of Commerce, Inc. sa isang panayam sa kanyang tanggapan.  Matagal ng magkakaibigan ang mga Tsino at Filipino, bago pa man dumating ang mga Kastila, dagdag pa ni Dr. Chua.  (Melo M. Acuna)

NANINIWALA si Dr. Francis Chua, isang dating special envoy sa larangan ng kalakal na higit na magiging maganda ang relasyong namamagitan sa Tsina at Pilipinas.

Sa isang panayam, sinabi ni Dr. Chua na ngayong gabi ipagpapatuloy ang pagtatanghal ng mga alagad ng Sining mula sa Jilin sa Cultural Center of the Philippines at magkakaroon ng mga pagpapalitan ng cultural troupes sa mga susunod na araw sa pagdiriwang ng ika-40 taong anibersaryo ng pagkakatatag ng diplomatic relations ng dalawang bansa.

Niliwanag ni Dr. Chua na bagama't 40 taon pa lamang ang diplomatic relations ng dalawang bansa, matagal nang magkakaibigan ang mga Tsino at Pilipino bago pa man dumating ang mga Kastila sa bansa. Subalit kahit sa relasyon ng pamilya ay nagkakaroon ng mga 'di pagkakaunawaan, lumalamig at umiinit, depende sa panahon.

Sapagkat ang Pilipinas ay isang malayang bansa, may karapatan din ang bansang maghabol ng kanyang inaakalang pag-aari. Hindi naman darating sa pagkakataong makikidigma ang mga Pilipino sa mga Tsino sapagkat batid naman ng lahat na walang sapat na kakayahan ang Pilipinas. At hindi lamang iyon, batid ng lahat na pinahahalagahan ng mga Pilipino ang kapayapaan at pakikipag-kaibigan.

Sa Kasaysayan, walang anumang bansang sinakop ang Tsina kaya't walang anumang dapat ipangamba ang Pilipinas. Anuman ang nakikita sa mga pahayagan, pawang mga salita lamang ito at karaniwan na ito sa mga nasa larangan ng diplomasya at politika.

Kahit pa mayroong magkakataliwas na paninindigan ang mga Tsino at mga Pilipino, hindi nawawala ang pagkakaibigan sapagkat nakikita naman ang pagtutulungan sa bawat panahon ng pangangailangan.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>