Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Soundtrick Band: Pioneers ng "Nightlife" sa Beilun, Ningbo City

(GMT+08:00) 2015-03-31 11:26:50       CRI


Ang Beilun District ay isang oras ang layo mula Ningbo City na makikita sa Zhejiang Province. Industrial zone at lipana ang mga factories sa Beilun. Mabilis ang progreso sa lugar at patuloy ang pag-unlad nito. Pero pagdating sa nightlife medyo huli ang Beilun. Limang taon ang nakaraan isang music lounge ang nagbukas para ialok ang live entertainment. Sa Maibach Lounge, itinampok ang Soundtrick Band, grupo ng mga Pilipino na binubuo nina Rodolfo "Bong" Villanueva, Maria Janette Frasco at Marvin Vega.

Limang taon silang tumugtog sa Ningbo, at sa kasalukuyan limang taon na rin sila sa Beilun. Ani Bong Villanueva, keyboardist ng grupo na sinubukan nilang tumugtog sa Guangzhou pero di nila nagustuhan ang palakad at tinanggap ang mas magandang alok sa Ningbo.

Ang Tsina ay unang destinasyon ng gitaristang si Marvin Vega, at sa umpisa nahirapan siya dahil sa lengwahe. Matapos ang sampung taon ng paninirahan sa Tsina, nakapagsasalita na siya at mas madaling natututo ng mga Chinese songs.

Ani Janette Frasco, vocalist ng Soundtrick Band na sila rin ang unang banda na nagpakilala sa mga latin songs. Dahil naniniwala ang grupo na parte ng kanilang trabaho ang paghahain ng ibang repertoire sa kanilang mga kliyente. Dagdag ni Bong Villanueva kailangan din nilang ibahagi ang mga usong kanta sa ibang panig ng mundo para mas lumawig ang musical preference ng mga Tsino. Kaya ayon sa beteranong musikero na nakarating na rin sa bansang Espanya, puhunan ng mga banda ang pag-eensayo, dahil dito nakasalalay ang galing nila pagsampa sa entablado.

Di man matatas magsalita ng Mandarin, kwento ni Janette Frasco malaking bagay ang pagiging mapagkaibigan, ang paglapit at tamang pag-estima sa mga bisita ng Maibach at pagsiguro na sila ay nag-eenjoy. Bawal ang "mga singers na masyadong matangos ang ilong." paalala ni Janette.

Matapos mapatunayan ang drawing power ng Soundtrick Band sa Maibach, panibagong pagsubok ang inihain sa kanila ng kanilang among Aleman. Bukod sa pagkanta, si Janette na rin ang naatasang maging manager ng music lounge. Sa trabahong ito, tila "tatlo ang ulo niya." Aminado mang di niya kabisado ang "pagbalanse ng numbers" nagagamit naman niya ang karanasan mula sa maraming taon ng pagtatrabaho sa mga bars.

Sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina, ibinahagi ng Soundtrick Band ang ilang mga payo para tumagal sa trabahong ito. Sa inyong computer, i-klik ang audio plug-in sa itaas na bahagi ng artikulo. Para sa iba pang kwento ng OFWs dito sa Tsina pakinggan din ang programang ito sa Podcast, hanapin lang ang Kape at Tsaa. Para makuha ang updates ng iba pang mga programa i-Like ang Facebook page na CRI Filipino Service.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>