|
||||||||
|
||
Marami ang masasarap na pagkain sa Xi'an. Ilan sa mga ito ay popular sa buong Tsina, halimbawa, Chinese hamburger na mas kilala sa tawag na "rou jiamo," liangpi at yangrou paomo.
"Biangbiang noodles"
Ang salitang "rou jiamo" sa Wikang Tsino ay nangangahulugang "karneng ipinalaman sa tinapay." Ang Shaanxi-style rou jiamo ay kilala rin bilang "lazhirou jiamo"(腊汁肉夹馍) Ang "lazhirou (腊汁肉)" ay "gravy-ed meat" at ang "mo (馍)" ay flat bread.
Roujia Mo
Sa panahon ng Warring States period (475 BC-221 BC), ang rou jiamo ay tinawag na hanrou (寒肉), na ang ibig sabihin ay " Karne ng Baboy ng Estado ng Han." Ang Estado ng Han ay isang pa-trianggulong lugar kung saan nabibilang ang Shaanxi Province, Shanxi Province at Henan Province. Ito rin ang tahanan ng kilalang lazhirou o gravy-ed meat. Nang masakop ng Estado ng Qin ang Estado ng Han, ang pagkaing ito ay dinala sa kabisera ng Qin, ang Xi'an.
Hindi katulad ng fast food hamburger sa Macdonald o Burger King, ang rou jiamo ay ginagawa gamit ang mga kamay at ito ay talagang masarap
May dalawang mahalagang elemento ang rou jiamo. Isa ay "lazhirou (腊汁肉)" o "gravy-ed meat" at ang isa pa ay "mo" o flat bread. Ang Lazhirou ay gawa sa pata ng baboy, ito ay pinakulo sa mahigit 20 kinds of spices, kabilang na ang asin, luya, scallions, bawang, Chinese cinnamon, loquat, at marami pang iba.
Ang "mo (馍)" na ginagamit para sa original rou jiamo ay isang espesyal na uri ng flat bread na ginagawa sa Lalawigang Shaanxi. Ito ay tinatawag din bilang "baiji mo (白吉馍)". Ang primera klaseng "baiji mo" ay malutong, may manipis na balat, soft and chewy inside.
Mayroon din isang kilalang Shaanxi cuisine——Bubble steamed mutton o "yangrou paomo". Ang "Yangrou"ay lamb o mutton, at ang "mo (馍)" ay flat bread. Ito ay pareho sa "baiji mo (白吉馍)" na ginagamit para sa "rou jiamo." Ang "Yangrou paomo"ay mga piraso ng tinapay na inilahok sa lamb soup na may manipis na crystal noodles.
"yangrou paomo"
Ang lalawigang Shaanxi ay nasa dakong hilagang kanluran ng Tsina, na tirahan ng iba't ibang pambansang minoriya. Ang pangunahing minoriya rito ay Lahing Hui. Ang mga ninuno ng Lahing Hui ay mga Arabeng mangangakal at iba pang Muslim mula sa Gitnang Asya. Ang lahat ng Lahing Hui ay Muslim. Mahusay ang mga Hui sa pagluluto, at maraming masarap na meryenda na halal food ay gawa nila.
Isang matandang mosque na itinatag ng mga Lahing Hui sa Xi'an
Kung gusto mong matikman ang pinakamarami at pinakamasarap na tsibog sa Xi'an, dapat pumasyal sa "Hui Street." Ang "Hui Street " ay hindi talaga isang street, kundi lugar kung saan nakatira ang mga Hui. Ang purok na ito ay binubuo ng kalyeng "Beiguangji jie", "Dapiyuan", "Beiyuanmen" at "Xiyangshi". Ang pook na ito ay malapit sa "Gulou" o "Drum Tower" ng Xi'an.
Dito ang "Hui Street", tawag din bilang "Beiyuan men Islamic street".
Ang Shaanxi-style Liangpi ay crystal at cold noodles at walang soup. Ito ay gawa mula sa arina, pero, ang noodles ay transparent. Ang tanong bakit ito transparent? Kasi, pinaghalo ang arina at kumukulong tubig sa paggawa nito. Ang dough ay ginagawang manipis at pabilog, tapos, pinauusukan at hinihiwa.
Liangpi
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |