|
||||||||
|
||
MPSTZhuhai
|
fil
|
Para sa episode na ito, bumiyahe ang team ng Mga Pinoy sa Tsina sa Zhuhai lunsod sa timog Tsina. Isang tawid lang mararating na ang Macau. Sa Zhuhai aming nakilala si Jay Maglalang ang Bar Manager ng 919 La Marina Tapas Bar isang restaurant na 450 ang seating capacity.
Si Jay ay isa sa dalawang dayuhan sa restawran. Sa simula nagtrabaho siya bilang bar tender. Matapos ang tatalong buwan naging Bisor at paglaon pinagkatiwalaan para maging Bar Manager. Malayo na ang inusad ng kanyang karera mula sa unang pagsubok na ibinato ng kanyang amo – ang gumawa ng Long Island Iced Tea.
Para hikayatin ang mas maraming kustomer, nilikha ni Jay ang maraming mga cocktails. Naging sikat ang 919 Loco at paboritong inumin ng mga kababaihan at ang 919 Sea Breeze naman ayon kay Maglalang ang inuming nagpapakilala sa Zhuhai.
Tapos siya ng Hotel and Restaurant Management mula sa Perpetual Help University kaya naman naiambag niya ang ilang mga ideya sa pamamalakad, marketing, at maging sa promotions. Pati ang pagkakaroon ng dagdag na isentibo ng mga katrabahong Tsino ay isinulong din ni Jay sa kanyang amo.
Sa kasalukuyan patuloy ang paglago ng 919 La Marina, unti unti nang tinatangkilik ang kanilang Spanish cuisine at binabalik balikan ang masarap na inumin.
Alamin ang iba pang karanasan ni Jay Maglalang sa kanyang pamumuhay sa Zhuhai sa programang Mga Pinoy sa Tsina ni Mac Ramos.
919 La Marina, Zhuhai
Sina Mac Ramos (kaliwa sa litrato) at Jay Maglalang
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |