|
||||||||
|
||
sw20150731qianmen.m4a
|
Sa episode na ito, bibiyahe tayo sa pali-paligid ng Qianmen, ito ay isang istasyon ng Subway Line 2 ng Beijing. Ang Linya ng Subway line 2 ng Beijing ay pinaliligiran ng sinaunang lunsod ng Beijing, dumaraan ito sa 9 na matandang gate ng sinaunang lunsod, at ang "Qianmen" ay isa sa mga ito.
Ang "Qianmen" ay tinatawag din bilang "Zhengyangmen." Ito ay matatagpuan sa medial axis ng lunsod ng Beijing at ang Zhengyangmen ay south gate ng sinaunang lunsod.
Ang salitang "Qianmen" ay nangangahulugang purok sa paligid ng Zhengyangmen Gate. Kabilang dito ang Qianmen walking street at Dashilan Market sa timog ng Zhengyangmen.
Sinimulang itatag ang Zhengyangmen Gate noong Dinastiyang Ming mula noong 1439 AD. Ito'y may taas na 12 metro, ito raw ang pinakamataas na gate ng sinaunang lunsod ng Beijing.
Mula noong panahon iyan, ang purok sa paligid ng Qianmen ay naging market. Hanggang ngayon, makikita pa rin dito ang mga time-honored brand ng Beijing. Karamihan sa mga ito ay matatagpuan sa Qianmen Walking Street.
Ang kasalukuyang Qianmen Walking Street ay muling itinatag noong 2008, sa panahon ng pagdaraos ng Beijing Olympic Games, para umakit ng mas maraming dayuhan.
Sa rekonstruksyon, muling napanumbalik ang orihinal na mukha at katangian ng sinaunang Qianmen street. Ibinalik din ang tram sa gitna ng Qianmen walking street na dinekomisyon noong 1960's.
Mula sinaunang panahon hanggang ngayon, ang Qianmen ay hindi lamang commercial district, kundi isa ring landmark ng Beijing.
Ang "big bowl of tea" ay isang tradisyonal na paraan ng pag-inom ng tsaa sa Beijing.
Hindi tasa ang ginagamit nila noon kundi, malaking sisidlan, kaya big bowl. Kung gusto mong makatikim nito, maaaring pumunta sa "Laoshe teahouse," malapit sa kanluran ng Qianmen.
Ang pangalan ng teahouse na ito na "Laoshe" ay mula sa isang famous writer, at isa sa kanyang mga masterpiece ay drama "Teahouse." Sa "Laoshe Teahouse," hindi lamang maaaring uminom ng tsaa, kundi puwede ring manood ng iba't ibang show na may tradisyonal na katangiang Tsino. Halimbawa, shadow play, shuanghuang, dagu, Beijing opera at iba pa. Ang architecture ng teahouse ay parang sinaunang gusali.
Bukod dito, mayroon ding mga tindahan, restawran at iba pang gusali sa paligid ng Qianmen na may sinaunang katangian. Halimbawa, Quanjude roast duck restaurant; Duyichu steamed dumplings restaurant; Yueshengzhai kung saan ipinagbibili ang stewed meat; Yitiaolong kung saan ipinagbibili ang mutton; Ruifuxiang kung saan ipinagbibili ang silk; Neiliansheng kung saan ipinagbibili ang traditional Chinese shoes na gawa sa tela, at marami pang iba.
Isang museo ng railway ang matatagpuan din sa silangan ng Qianmen. Isangdaang taon na ang nakalipas, dito matatagpuan ang railway station ng Beijing. Sa panahon iyan, ito ang pinakamalaking railway station sa buong Tsina. Itinatag ito ng mga Briton at Ito ay ginamit mula 1906 hanggang 1959.
Sa museo, puwede ring manood ng 3D film hinggil sa pag-unlad ng railway.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |