Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

[Pasyal sa subway ng Beijing] Dongsi

(GMT+08:00) 2015-11-06 11:05:50       CRI


Ang "Dong" sa Wikang Tsino ay nangangahulugang"silangan," at ang "Si" naman ay "apat." Kaya, ang Dongsi ay nangangahulugang apat na decorated archway sa silangan ng Beijing.

Ang "Dongsi" ngayon ay hindi lamang isang crossing, kundi binubuo rin ng ilampung lansangan at "Hutong." Ang mga hutong sa paligid ng Dongsi ay tinatawag na "Tiao," at ang mga pangalang ito ay espesyal: halimbawa, "Dongsi liu tiao."

Mayroong 14 na "tiao" sa kabuuan, at ang mga ito ay vertical na hutong o lansangan ng "Dongsi North Street." Mula timog patungong hilaga, ang mga ito ay de-numero mula 1 hanggang 14.

Ang pangalan ng mga ito ay nakaayos sa ganitong paraan: "Dongsi, kasunod ang (numero) at panghuli, idinaragdag ang salitang "tiao." Halimbawa, ang ika-3 hutong mula sa timog ay "Dongsi San Tiao." Ang "San" sa Mandarin ay 3.

"Dongsi Shi'er(12) Tiao" Hutong

Ang unang hutong mula sa timog ay tinatawag na "Dongsi Tou Tiao." Ang "Tou" sa Mandarin ay "una."

Labantatlo (13) sa 14 na "Tiao" ay hutong, pero, ang ika-10 o ":Dongsi Shi Tiao" ay isang napakalaking lansangan. At ito ay isa pang istasyon ng subway, sa line 2.

Ang kasaysayan ng mga hutong sa paligid ng Dongsi ay mababakas sa mahigit 700 taong nakaraan. Noong panahon iyan, ang Beijing ay tinatawag na "Dadu" at ito ay kapital ng Yuan Dynasty.

Ang Dongsi ay komersyal na rehiyon, at marami ang mga tindahang itinayo rito. Noon, ang lugar na ito ay isa sa tatlong pinakamasaganaang rehiyon ng Beijing. Mula noon hanggang Dinastiyang Qing, pinakahuling Dinastiya ng Tsina, tumira dito ang mga nobility at celebrity.

Sa kasalukuyan, maraming sinaunang bahay sa paligid ay naging lugar na panturista.

NAMOC

Ang National Art Museum of China (NAMOC) ay matatagpuan sa kanluran ng istasyon ng Dongsi. Kung lalabas mula sa Exit E, ng Dongsi Station ng Line 6, at patungong kanluran, narito ang NAMOC.

Ang NAMOC ay itinayo noong 1958, at pormal na binuksan sa publiko noong 1968. Ito ay national cultural landmark ng Tsina, at ginagamit na lalagyan ng mga art collection, at research and exhibitions ng makabagong sining ng Tsina. Makikita rito ang ilang libong painting, sculpture, calligraphy at iba pang art collection ng Tsina.

Ang pangunahing gusali ng NAMOC ay may yellow glazed tiles, at pinapaligiran ng mga corridor at pabilion. Ito ay nakasunod sa estilo ng sinaunang Chinese attics, isang uri ng tradisyonal na estruktura ng Tsina. Ang 5-floor na gusali ay may 17 exhibition hall, at ang kabuuang saklaw nito ay 18,000 square meters. Ang laki ng exhibition area ay 8,300 square meters, at ang modern collection storeroom ay may saklaw namang 4,100 square meters.

Isa sa mga pinakapopular na artwork sa loob ng museo ay isang painting ng "Batang Babaeng Mang-aawit." Sino ang mang-aawit sa larawan?

Siya ay Peng Liyuan, ang First Lady ng Tsina.

Pero, nilikha ito noong 1984, at sa panahong iyan, si Peng ay 22 taong gulang lamang. Siya noon ay isang estudyante sa Central Conservatory of Music ng Tsina. Noon, hindi pa niya kilala si Pangulong Xi Jinping.

Ang painting na ito ay nilikha ni Jin Shangyi, isang artistang Tsino. Mula noong 1987 hanggang 1996, siya ang naging Puno ng Central Academy of Fine Arts ng Tsina, isa sa mga pinka-prestihiyosong paaralan ng Fine Arts ng Tsina.

Jin Shangyi

Ang "Batang Babaeng Mang-aawit" ay isa sa mga masterpiece ng estilong "new classicism" na lumitaw noong 1980's sa Tsina.

Bakit ginawang modelo sa painting si Peng Liyuan? Sa panahong iyan, si Peng ay isang graduate student at ang painter ay kapitbahay ng kanyang professor. Gusto niyang lumikha ng ilang painting hinggil sa mga estudyante ng Central Conservatory of Music ng Tsina. Salamat sa kapitbahay, tatlong esudyante ang naging modelo, at si Peng ay isa sa kanila.

Pagkaraang maging kilala, muli't muling nag-request si Peng upang muling maging modelo sa painting, pero tinanggihan ng artist.

Ngayon, ang original version ay nakalagay sa National Art Museum of China (NAMOC) at kung papasyal dito, puwedeng makita ito.

Marami ang tsibog sa paligid ng Dongsi, lalung-lalo na sa loob ng mga hutong. Ang paghahanap ng mga maliit na restawran at mga masarap na pagkain sa loob hutong ay nakakaaliw na adventure.

Kung hindi mo naman gusto ang adventure, sige lang, ikukuwento na lang namin sa inyo ang isang restawrang madaling hahanapin. "Mian Dui Mian" isang maliliit na noodle restaurant.

Lumabas lang mula sa Exit B ng istasyon ng Dongsi sa Line 5, makikita agad ang "Mian Dui Mian." Ang "Mian" sa Wikang Tsino ay "noodles." Ang noodles dito ay mura, mula 8 yuan hanggang 20 yuan lamang, at ang pinakapopular na noodles ay "Wanzhou Roujiang Mian," "Wanzhou" ay isang lugar sa lalawigang Sichuan ng Tsina, at "Roujiang" ay meat pastes, "Mian" ay noodles.

Wanzhou Roujiang Mian

Pero, ingat lang sa pagpili dahil, ang karamihan sa mga noodles dito ay maanghang. Pero, maaari namang hiningi ng "di-ma-anghang," sabihin lang sa counter person na "Wo Bu Yao La De."

Mayroon ding isang restawtan ng iba't ibang snack sa labas ng Exit D, ang "Hong Zhuang Yuan." Ito ay fast food chain kung saan mabibili ang Chinese food. Ito rin ay isa sa mga holding company ng Jollibee Group sa Tsina. Ang pinakapopular na pagkain sa "Hong Zhuang Yuan" ay iba't ibang porridge. Mayroon ding mga snack at dishes. Ang mga pagkain dito ay mura.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>