|
||||||||
|
||
sw20160408.m4a
|
Rape flowers ang itinatanim sa dakong timog ng Tsina, ito ay bulaklak ng isang uri ng halaman na may latin name na "Brassica campestris," ang buto nito ay pangunahing materyal para sa paggawa ng cooking oil sa Tsina.
Sa nakaraang episode, isinalaysay natin ang mga lugar kung saan makikita ang rape flower field. May part 2 po ngayon ang topic na iyan. Kamakailan, inakit ng isang rape flower field sa Changjiangyu Village, Nanjing, Lalawigang Jiangsu sa silangang Tsina, ang maraming bisita.
Bakit katangi-tangi ang nasabing rape flower field? Dahil sa sentro ng nasabing bukirin, makikita ang napakalaking dibuhong may temang "dragon robe." Ang dragon robe ay kasuotan ng emperor noong sinaunang panahon.
Narito ang isa pang kawili-wiling lugar kung saan lumilikha ang mga tao ng art works sa kabukiran. Sa lunsod ng Luoyang, Lalawigang Henan sa gitnang Tsina, naging hot spot ng usap-usapan ang isang bakante at maputik na lugar dito, dahil sa mga kaibig-ibig na straw figurine.
Itinatanghal dito ang mahigit 100 scarecrows na may magkakaibang hugis: kabayo, elepante, dinosaur, minions, Kung Fu Panda, etc.
Sa halip na nakakatakot, ang mga scarecrows ay nakakatawa.
Sa Taizhou, Lalawigang Zhejiang sa Silangang Tsina, kasabay ng pagdating ng tagsibol at pag-init ng panahon, namumulaklak ang mga rape flower. Nagsisilbing katangi-tanging atraksyon ang mga scarecrow sculptures sa rape flowers field.
Narito ang isang balita, kung may plano kang pumasyal sa Shanghai, ang buwan ng Hunyo ay magandang panahon. Hindi lamang dahil sa klima, kundi dahil bubuksan dito ang isang bagong Disneyland Park sa ika-16 ng Hunyo 2016. Mula noong ika-28 ng Marso, nagsimula nang magbenta ng tiket ang Disneyland ng Shanghai. Halos handa na ang konstruksyon ng kabuuang parke para sa pormal pagbubukas sa Hunyo.
Ang nasabing Disneyland ay nasa Pudong District ng Shanghai, at ito ang ika-6 na Disneyland sa buong daigdig. Ang Disneyland Park ay isang bahagi lang ng kabuuang Shanghai Disney Resort. Sa resort, mayroon ding dalawang hotel, shopping mall at iba pa. Kung gusto ninyong bumili ng tiket, mag-log-in lang sa www.shanghaidisneyresort.com.
Kung gusto mong pumunta sa Shanghai mula sa Beijing, puwede kang sumakay ng high speed train. Ang biyahe ay tumatagal lamang ng halos 5 oras. Kung sasakay ng eroplano, ito ay tatagal ng 1.5 oras. Ang tiket ng tren ay 555 yuan RMB para sa economy seat.
May isa pang mabuting balita hinggil sa railway sa pagitan ng Beijing at Shanghai. Ikakabit ang free WiFi sa mahigit 100 tren sa katapusan ng Abril ng taong ito.
Pero, heto pa, hindi lamang mga tren sa pagitan ng Beijing at Shanghai ang kakabitan ng WIFI, kabilang din ang mga tren ng linyang mula Beijing patungong Qingdao (puwerto sa dakong silangan ng Tsina), Kunming (Punong Lunsod ng Lalawigang Yunnan sa timog kanluran ng Tsina), Lhasa ng Tibet, at Guangzhou sa dakong timog ng Tsina.
Ayon sa ulat, upang magamit ang free WiFi, dapat i-download ng mga pasahero ang APP. Ang APP ay isang platapormang magkakaloob din ng mga musika, balita, at pelikula. Maaari ring mag-log-in sa inyong QQ at Wechat (dalawang pangunahing instant messaging social networks ng Tsina) account sa pamamagitan ng APP na ito.
Ang WiFi signal ay mula sa 3G o 4G service providers na matatagpuan sa kahabaan ng linya ng daambakal. Ang wireless network capacity ay maaaring magserbisyo sa 120 digital devices sa bawat WiFi module.
Narinig na ba ninyo ang YamdrokTso o Yang River sa Tibet?
Ang YamdrokTso, na tinatawag ding Yang River, ay nasa Nagarzê County ng rehiyong awtonomo ng Tibet. Ang layo nito sa Lhasa ay mga 100 kilometro, at ang taas ng ilog na ito mula sa sea level ay mahigit 4,400 metro.
Dahil sa kaakit-akit na tanawin ng YamdrokTso, maraming turistang Tsino at dayuhan ang naglalakbay doon bawat taon. Noong 2013, natapos ng Tibet ang paunang gawain sa proyekto ng pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal ng YamdrokTso. Noong isang taon, inilakip ng Tsina ang YamdrokTso sa listahan ng pilot project sa pangangalaga sa kapaligirang ekolohikal.
Mula noong isang taon, hinikayat ng Tsina ang mga airline na maglagay ng international flight mula Lhasa papuntang Timog Silangang Asya at Timog Asya. Itatayo ang Nyingchi Mainling Airport bilang ikalawang tsanel na panghimpapawid na pumapasok at lumalabas sa Tibet. Hanggang ngayon, wala pang direktang flight mula Pilipinas hanggang Tibet, pero, m sa malapit na hinaharap, may posibilidad na magkaroon nito.
Hanggang sa kasalukuyan, kung gusto mong pumasyal sa Tibet, dapat kang sumakay ng eroplano mula Beijing patungong Lhasa o Nyingchi.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |