|
||||||||
|
||
MPST
|
MPSST
|
Dahil sa kagustuhang kumawala sa viscious cycle ng mga OFWs kung saan walang napupuntahan ang kinikita, nagdesisyon sina Lynette Gaurino, Cocoy Declaro at Dandie Roble na magtayo ng negosyo sa Xiamen.
Sina Wilfredo de Claro, Dandie Roble, at Lynette Gaurino (mula kaliwa hanggang kanan sa litrato)
October 2015 binuksan nila ang Cake Fairy, nag-iisang custom bake shop sa lunsod. Ipinagmamalaki ng trio na ano man ang hilinging disenyo, sa abot ng kanilang makakaya sisiguruhin nilang masisiyahan at mamamangha ang customer sa kanyang personalized cake.
Ani Lynette Gaurino tinawag siyang fairy ng isang kaibigan matapos magpagawa ng cake na hitsurang soccer ball. Mula noon nakagawa na sila ng higit 1000 cakes na iba't iba ang disenyo. Cartoon character inspired, Henna tattoo design, movie themes, at marami pang iba.
Bago maging bake shop owners, sina Lynette at Cocoy ay 15 years nang kumakanta sa Tsina, 14 na taon ang inilagi nila sa Xiamen. Samantala si Dandie naman ay bagong miyembro ng kanilang X-Over Band. Sa mga mahilig sa night life, kilala ang X-Over Band dahil binago nila ang tugtugan sa Xiamen na medyo atrasado ang repertoire noong dumating sila.
Bilang entertainers maluwag ang kanilang oras at di rin masama ang kita. Para di masayang ang pinagpaguran naisip nilang ilaan ang talento sa pagpapatakbo ng bake shop. Di sila natakot na ibuhos ang isang taong kita para pondohan ang Cake Fairy na umabot sa 270,000 Yuan RMB o halos Php 1,800,000 ang initial capital.
Hindi mala fairy tale ang takbo ng kanilang negosyo sa simula, matumal dahil tyempo sa taglamig ang opening ng shop. Ngayon papalapit na sila sa kanilang unang anibersaryo, sa panahon ng tag-init dagsa ang order para sa sari-saring mga okasyon.
Payo nila Lynette, Cocoy at Dandie na kung balak magtayo ng negosyo sa ibang bansa, mainam na lumapit sa isang law firm o business licensing firm na tutulong sa pagproseso ng lahat ng lisenya, permit at dokumento. Swerte sila dahil sa Xiamen may tanggapan ang Yingke Venso na mapagkakatiwalaan at tunay na may kaalaman sa dayuhang pamumuhunan.
Alamin ang iba pang magic na likha ng Cake Fairy sa panayam ni Mac Ramos ng programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Wilfredo de Claro
Si Dandie Roble
Lynette Gaurino, "Ang Cake Fairy"
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |