|
||||||||
|
||
http://mod.cri.cn/fil/podcast/sw20160722ningxia.m4a
|
Ang buong pangalan ng Ningxia ay Rehiyong Awtonomong Hui ng Ningxia. Isinasagawa ng Tsina ang patakaran ng National Regional Autonomy, kaya, ang Rehiyong Awtonomo ay parang lalawigan. Pero, dahil marami sa mga naninirahan dito ay pambansang minorya, tinatawag ang rehiyon bilang Rehiyong Awtonomo, sa halip ng lalawigan. Sa Rehiyong Awtonomong Hui ng Ningxia, maraming naninirahan ang lahing Hui, at sila ay mga Muslim.
Ang mga Muslim dito ay bumubuo sa sangkatlo ng populasyon. Sa paglalakbay sakay ng kotse, makakakita ka ng mga mosque. Ang buong Ningxia ay may mahigit sa 3,000 maliliit at malalaking mosques.
Marami ring templo, monasteryo at pagoda sa Ningxia. Dahil dito lumiliko ang Silk Road patungo sa Ningxia. Sa nakaraang ilang siglo, karamihan sa mga templo ay nagiba na at nasira dahil sa kapabayaan, pero, mayroong ilan na napabantog sa labas ng rehiyon. Dahil sa pagkakatuklas sa Xumishan Grottoes, nabuhay muli ang sinaunang kultura at kasaysayan ng Ningxia. Likha ng mga manlalakbay sa Silk Road ang mga groto. Dahil dito, ang lugar na ito ay naging kabang-yaman ng sinaunang relikya ng Budista. Pitumpo sa 132 groto na makikita rito ang may istatuwa ng Buddha.
Ang Yinchuan, Punong Lunsod ng Rehiyong Awtonomo ng Ningxia, ay isang lugar na may mahabang kasaysayan at magandang tanawin. Tinatampok ng natatanging cultural landscape ang pangunahin na, Xixia Dynasty. Ang mga espesyal na kapaligiran ng panirahan, kahanga-hangang tanawin ng disyerto, makulay na kaugaliang Islamiko ang mga nangunguna sa pagpapakitang gilas at naging isang parang perlas sa dakong kanularan ng Tsina.
Mga 80 minuto mula Yinchuan, makikita naman ang Qingtong Gorge na isang kilalang hydro-electric station sa Yellow River. Ito'y maliit kumpara sa mighty Three Gorges Dam, pero ang seksyon ng Yellow River mula Qingtong Gorge patungong Zhongwei County ay may habang 200 kilometro at laging malumanay ang agos. Maraming makikitang magagandang tanawin sa pagbabalsa sa ilog na gaya ng mga labi ng matandang Great Wall, matandang waterwheel at mga ibon.
Hindi malayo sa Qingtong Gorge, makikita ang kilalang "108 Dagobas." Ito'y inayos sa 12 hanay mula isa hanggang labinsiyam. Ang architectural complex na ito ang siyang pinakamalaking nananatili pang matandang dagoba group sa Tsina. Walang nakakaalam kung kailan itinayo ang mga dagobas, pero ang solidong hugis ng lama tower ang siyang estilong nananaig noong panahon ng Dinastiyang Yuan (1271-1368).
Habang nakasakay sa sasakyan patungo sa Gobi, may natatanaw kayong maraming sasakyang militar at mga sundalong nagdaraos ng maniubra. Sa paglitaw ng matataas at malalaking bagay, maari ninyong isipin na ang mga ito ay rocket launchers at ilang uri ng bagong sandata. Malulutas lamang ang misteryo kapag narating ninyo ang silangang gilid ng Helan Mountain, na may layong 20 kilometro mula sa kanluran ng Yinchuan.
Ang naturang mga bagay, sa katunayan, ay mga musoleo ng mga emperador ng maalamat na kaharian ng Xixia o Kanlurang Xia (1038-1227). Noong unang bahagi ng ika-11 siglo, ang grupong tuoba ng sinaunang nomadikong rehiyon ng Dangxiangqiang sa kanlurang kapatagan ng Tsina, ay biglang lumakas at itinatag nito ang kaharian ng Kanlurang Xia.
Tingnan natin ngayon ang mga maharlikang puntod ng nawalang imperyo. Sa lupaing ito na may mahaba at kabigha-bighaning kasaysayan, itinayo ang imperyo ng kanlurang Xia noong mahigit 1,000 taon na ang nakaraan. Ang imperyong Xia na kilalang nawalang imperyo sa Silk Road ay umunlad sa loob ng mga 200 taon, at ito'y nasakop ni Emperador Genghis Khan ng Yuan Dynasty. Ang tanging natitira ngayon ay isang hugis-abanikong puntod sa silangan ng Bundok Helan.
Ang Bundok Helan ay umaabot ng mahigit sa 200 kilometro. Ang pangalang Helan ay nangangahulugang mahusay na kabayo sa wika ng mga taong nagpagala-gala sa kabundukang ito nang ilang siglo. Ang Helan gateway ay isa sa siyam na lambak kung saan matatagpuan ang mga sinaunang miyural noong mahigit 30 taong nakalipas. Masigasig na hinanap ng mga arkeologo ang mahigit sa 20,000 miyural. Higit na kahanga-hanga sa mga ito ang isang miyural na may ulong umusbong na parang insekto. Pinaniniwalaan ito bilang Sun God.
| ||||
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |