|
||||||||
|
||
MPST
|
Hiniling ng CRI Filipino Service ang isang panayam kay Perlita Pengson upang hanapin ang sagot sa katanungang: Ano ang pinakamalaking hamon hinggil sa pagpapalaki ng mga anak ang pinagdaraanan ng mga magulang na malayo sa tinubuang lupa?
Game si Perlitang umupo para sa panayam at kanyang ibinahagi ang Top 3 Struggles: una ang takot manganak sa Tsina noong 90s, ikalawa ang pagtuturo ng wika at ikatlo ang pagpapaunawa sa mga bata ng mga mahahalagang family values na iba sa mga Tsino.
Kung sa Tsina may mga tinatawag na "Tiger Mom" para kay Perlita mas gusto niyang tawaging "Eagle Mom" – matamang nagmamasid pero hinahayaan ang anak na kusang diskubrehin ang kanyang tunay na hangarin sa buhay.
Lahat ng ito ay ipinaliwanag ni Perlita Pengson sa panayam ni Mac Ramos, pakinggan ang buong interview sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Perlita Pengson
Si Perlita Pengson, kasama ng mga Mommies ng CRI Filipino Service.
Ang Pamilya Pengson: Si Perlita (kaliwa), asawang si Ronel (kanan) mga anak na sina Rolie Angelo (ikatlo mula sa kanan) Rolie Gabriel (ikalawa mula kanan) Rolie Ramiel (ikalawa mula kaliwa) at si Tess, nanay ni Perlita (ikatlo mula kaliwa)
------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Isasagawa ni Perlita Pengson ang "TALK" series sa R3 Discovery, Funwork 朝阳区金汇路9号楼世界城D栋B1层
Funwork No.9 Jinhui Road, Chaoyang District, Tel 010-85909635 / 18618142317
September 8,10am - Rethinking gender expectations, identity and diversity
September 15, 10am - Beyond Behaviors ; Helping Children Build Resilience
September 22, 10am - Say what you mean, Mean What you say! Persuasive, assertive or aggressive Communication
September 29, 10am - Consequences of Stressed Parenting
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |