Hinggil sa CRIHinggil sa Serbisyo Filipino
   

Lakbay Tsina ng Piling Estudyanteng Pinoy, hatid ng Huawei

(GMT+08:00) 2016-11-09 17:30:08       CRI

Sa kanilang biyahe sa Tsina mula ika-15 hanggang ika-29 ng Oktubre, 11 estudyanteng Pilipino na galing sa Mapua Institute of Technology, De la Salle University, Ateneo De Manila University, University of Cebu at University of Southeastern Philippines Davao City ay nag-aral hinggil sa kultura at kasaysayan ng Tsina sa Beijing Language and Culture University; bukod dito, natutunan din nila ang mga teorya at kaalaman hinggil sa Internet Communication Technology at sumailalim sa mga pagsasanay ng Huawei Technologies.

Ang naturang aktibidad ay itinaguyod ng Huawei Philippine Company na tinatawag na "Philippine Seeds for the Future." Ito rin ay nabibilang sa Seeds for the Future, isang pandaigdigang proyekto ng Huawei Technologies para magbigay-tulong sa pag-unlad ng ICT sa mas maraming lugar sa ibayong dagat. Sa taong 2016, ang nasabing proyekto ay isinasagawa sa 85 bansa at rehiyon. Ito ay mas marami nang 25 bansa kumpara sa taong 2015.

Ang "Seeds for the Future" ay ikalawang beses na idinaos sa Pilipinas. Kumpara sa taong 2015, lumaki ang saklaw ng mga kasaling estudyante. Bukod dito, isinagawa ng Huawei Philippine Company ang kooperasyon sa mga departamento ng Pilipinas para hikayatin ang paglahok ng mas maraming mahuhusay na estudyante sa naturang proyekto.

Sa kabuuang biyahe ng naturang mga estudyanteng Pilipino sa Tsina, ang pinakaimportanteng event para sa kanila ay ang paglahok sa FilCom activity sa Beijing kung saan nagtalumpati si Pangulong Rodrigo Duterte.

Bukod dito, makulay ang kanilang naging pagdalaw sa Tsina. Halimbawa, ang shopping experience.

Pasa sa mas maraming detalye at kuwento ng naturang mga estudyanteng Pilipino, pakinggan po natin ang episode ng Mga Pinoy sa Tsina.

Group picture ng delegasyon ng mga estudyanteng Pilipino at mga tauhan ng Huawei Technologies sa seremonya ng pagtatapos ng "2016 Philippine Seeds for the Future"

Sina Hillary Fong (kaliwa sa litrato) at Hernie Origenes

Si Rhodalyn Sanchez, Ateneo De Manila University

Si Kurt Gonzales, Mapua Institute of Technology

Si Hillary Fong, De la Salle University

Si Hernie Origenes, University of Cebu

Nag-aaral ang mga estudyanteng Pilipino ng Chinese character

Nagshoshopping ang mga estudyanteng Pilipino sa Shenzhen

Group picture ng mga estudyanteng Pilipino sa FilCom activity sa Beijing

Nagseselfie ang mga estudyanteng Pilipino, kasama ng litrto ni Pangulo Rodrigo Duterte sa FilCom activity

Katha ni Hillary Fong

Tinanggap ng mga estudyanteng Pilipino ang pagsasanay hinggil sa ICT.

May Kinalamang Babasahin
Comments
Nagbabagang Paksa
Kompetisyon ng Talento at Kakayahan para sa mga Tagasubaybay sa Buong Daigdig
Pinakahuling Balita
Napiling Artikulo
SMS sa CRI sa 09212572397
6391853476XX: Gusto ko lang mag-hello sa paborito kong istasyon sa SW--ang China Radio International at sa lahat ng announcers ng Filipino Service. Nasa tabi niyo ako lagi.
6392199353XX: Salamat sa Gabi ng Musika at Pop China at sa buong Serbisyo Filipino. Solved ako sa mga padala ninyong CD at DVD ng Chinese Artists.
92041552XX: Happy Easter sa buong staff ng Filipino Service!
6392092449XX: Inspirado ako ngayong makinig sa inyong transmission dahil maganda lagi ang quality ng signal. Thank you for communicating with me via SMS.
6391658006XX: Hello CRI! I would like to give a reception report of CRI Serbisyo Filipino on July 29, 1130-1200 UTC at 12.110 MgHz shortwave listening from Clark, Angeles City, Pampanga. Sinpo: 55443. Lagi akong sumasali sa inyong pakontes at laging akong makikinig. Hope my report would be acknowledged by QSL card. Salamat.
More>>