|
||||||||
|
||
MPST
|
Ni sa hinagap hindi sumagi sa isipan ni Rofel Nillos na matitikman ang pamumuhay ng mga dugong bughaw. Pero nang maglakas loob na mag-apply sa Maynila para subukin ang pagiging OFW, laking gulat niya nang malamang sa Saudi Arabia paglilingkuran pala niya ang isa mga royal families ng bansa.
Dalawang taon at kalahati ang inilagi niya sa palasyo. Trabaho niya ang pagsiguro na nasa ayos ang lahat ng pagkain sa hapag ng prinsipe, prinsesa at mga supling nito. Marangya at maluto ang kanyang naging pamumuhay sa Gitnang Silangan. Sa kabila nito, di siya nakuntento.
Hinanap ang pamumuhay na makapagbibigay ng bagong adventure. Lugar na magdadala ng kakaibang pagsubok. At napadpad siya sa Tsina. Turista noong simula hanggang sa naengganyong mag-aral ng bagong wika. Sa Beijing Institute of Economic Management, nag-aral si Rofel Nillos ng wikang Mandarin.
Ngayon apat na taon at kalahati na siyang naninirahan sa Beijing. Alamin ang kanyang kwento sa panayam ni Mac Ramos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Rofel Nillos katabi si Jaime Florcruz, dating Bureau Chief ng CNN sa Beijing. Kuha ang larawan sa Philippine Booth ng Peking University students.
Si Rofel Nillos kasama ang ilan sa kanyang mga katrabaho sa palasyo. Kuha ito sa kanyang huling araw sa Saudi Arabia.
Unang pinasyalan ni Rofel Nillos ang Forbidden City sa Beijing dahil nais niyang makumpara at arkitektura sa Tsina sa Saudi Arabia.
Aktibong member ng Philippine China Friendship Club si Rofel Nillos. Aniya, kahit di talaga dancer, kailangang magsayaw ng Carinosa para ibahagi ang kulturang Pinoy sa iba't ibang pamantasan sa Beijing na nagsasagawa ng cultural festivals.
Madaling aralin ang Mandarin lalo na kung gagawing parang kaswal na party ang klase. Ani Rofel Nillos masaya ang pag-aaral kung hindi laging libro ang kaharap. Kuha sa Beijing Institute of Economic Management.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |