|
||||||||
|
||
MPST
|
Ngayong Yuletide Season, panahon ng mga parties at gatherings. Sa Beijing isang restaurant ang sikat dahil sa primera klaseng pagkain na hain nito. Malaki ang ambag ni Rofel Nillos sa tagumpay ng O'Steak Fench Bistro. Mula sa simula kasali na siya sa management team. Dahil hindi baga sa service at food industry, malaki ang kumpyansa ni Nillos na kayang-kaya niyang makipagsabayan sa ibang dining places sa Beijing.
Ayon kay Nillos na tubong Ilo-Ilo, importante para sa kanya na alamin ang gusto ng kliyente. Hindi dapat sila pabayaan kahit nasa sulok ng restoran sila nakaupo. Para sa kanya ang bawat papasok sa O'Steak ay dapat maging "at home" at magustahan ang pagkain nang sa ganon ito ay kanilang babalik-balikan.
Pruweba na patok ang sistemang ito – ang 3 taong sunod sunod na paghirang sa O'Steak bilang Best Restaurant at Best Steak House sa Beijing. At mula sa unang restoran sa Sanlitun, may 2 iba pang restoran ang binuksan sa Central Park at Shunyi, pawang mas malaki at nasa magagandang lokasyon. Bukod dito tuloy ang kanilang expansion sa labas ng mainland, may branch na ang O'Steak sa Taiwan. Nagsisimula na ring makilala ang isa pa nilang restaurant sa Beijing, ang O'Pasta.
Para sa mga OFWs na nais makamit ang katulad na tagumpay sa larangan ng serbisyo paalala ni Rofel Nillos na ipakita ang natatanging charisma ng mga Pinoy at tiyak may mararating ka abroad.
Pakinggan ang buong panayam ni Mac Ramos kay Rofel Nillos sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Rofel Nillos
Si Rofel Nillos at ang bunga ng apat na taon niyang pagpupunyagi para makilala sa Beijing ang O'Steak.
Mga awards ng O'Steak mula nang nagbukas ito noong 2014.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |