Sa matinding galaw ng corporate world ng Tsina, isang Pilipina ang nagpapakita ng kanyang talino at galing. Kung ang pag-uusapan ay human resources, di matatawaran ang kaalaman ni Lara Tiam hinggil sa larangang ito. Sa Steering Committee ng Shanghai Disney Resort, nag-iisang Pilipino si Lara Tiam. Kasalukuyan siya ay Vice President for Human Resources.
Ang second part ng aming episode ay nakatuon naman sa leadership lessons at management mantra ni Lara Tiam. Pakinggan po ang buong interview sa programang Mga Pinoy sa Tsina.