|
||||||||
|
||
MPST
|
Si DTI Undersecretary NOra Terrado (3rd L) at si Consul General Marie Charlotle Tang ng Kunsulado ng Pilipinas sa Guangzhou (2nd R), kasama ang mga Pilipinong nagtanghal sa 14th China ASEAN Expo-Cities of Charm Pavillion.
Kasabay ng pagbuti ng relasyon, at pagganda ng ekonomiya ng Tsina, na ngayon ay maituturing na pumapangalawa sa mundo, maraming oportunidad ang maaring magbukas para sa mga Pilipino sa larangang gaya ng pamumuhunan, kalakalan at maging sa pagtatrabaho.
Bilang kinatawan ng panig Pilipino, at puno ng delegasyong lumahok sa 14th China-ASEAN Expo, humarap si Undersecretary Nora Terrado sa piling mediang Tsino at ibinahagi ang kanyang mga mungkahi para sa ugrading ng China-ASEAN Expo, estado ng kalakalan at pamumuhunan ng Pilipinas at Tsina, at ang kanyang pananaw sa kahandaan ng mga global Pinoys na tanggapin ang hamon sa napakakompetitibong global supermarket ng mga manggagawa at propesyunal.
Sa panayam kanyang ibinahagi ang optimistikong pananaw sa magandang kinabukasan ng ugayang Pilipino-Sino at sinabing di rin mapipigilan ang pagpapalitan sa mga mamamayan lalo pa't ngayon handa sa pangingibang bayan ang millennials.
Pakinggan ang buong panayam sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |