|
||||||||
|
||
MPST
|
Idinadaos ang Beijing Forum 2017 mula Nobyembre 3 hanggang 5, at sa ekslusibong panayam ng CRI Serbisyo Filipino sa Peking University, ibinahagi ni Fr. Bienvenido Nebres SJ, dating Pangulo ng Ateneo de Manila University na napakahalaga at maraming matututunan sa sub-theme ng purom ngayong taon na nakatuon sa "Values and Order in a Changing World."
Sa kanyang presentasyon, ibinahagi ni Fr. Nebres ang kanyang paper na pinamagatang "Private Social Enterprise and Government Working Together to Address School Hunger: The Philippine Experience. Ibinahagi niya sa panayam ang mga school feeding programs na Blue Plate for Better Learning at ang Kusina ng Kalinga na umaagapay sa mga mag-aaral na kapus-palad at walang makain.
Anang National Scientist, hinggil sa sub-them na "Values and Order in a Changing World" mahalagang pag-isipan kung ano ba talaga ang mga pagpapahalaga ng mga Pilipino at ang pagkakasunod-sunod ng mga naturang "values". Paliwanag niya, may pagpapahalaga sa pamilya, pero minsan dapat may pagpapahalaga na mas mataas, (gaya ng) para sa bansa, para sa iba. Malaking problema ito na pinanggagalingan ng korupsyon. Kailangan mag sakrispisyo ang mga Pilipino para sa mas nangangailangan o para sa mas magandang kalalabasan (na pakikinabangan) ng mas nakararaming mamamayan.
Pakinggan ang kanyang mga pananaw hinggil sa mahahalagang paksang tinalakay sa Beijing Forum 2017 sa programang Mga Pinoy sa Tsina.
Si Fr. Ben Nebres habang kinakapanayam ni Mac Ramos, Mamamahayag ng Filipino Service, China Radio International
Si Fr. Ben Nebres, kasama nina Jack Wu Jiewei (kaliwa), Pangalawang Dekano ng School for Foreign Languages ng Peking University at Jade Xian Jie, Direktor ng Filipino Service, China Radio International
Si Fr. Ben Nebres habang ibinabahagi ang kanyang paper na pinamagatang Private Social Enterprise and Government Working Together to Address School Hunger: The Philippine Experience
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |