Sa panahon ng paglahok sa Medellin, Columbia sa ika-50 taunang pulong ng Inter-American Development Bank, ipinahayag kahapon ni Martín Redrado, puno ng Bangko Sentral ng Argentina, na kinakatigan ng kanyang bansa ang mungkahi ng Tsina hinggil sa reporma sa international reserve currency at ipapahayag ang atityud na ito sa idaraos na financial summit ng Group of 20.
Nauna rito, nilagdaan sa Medellin nina Redrado at Zhou Xiaochuan, puno ng Bangko Sentral ng Tsina ang kasunduan sa currency swap para mabawasan ang pag-asa ng dalawang bansa sa US Dollar sa kanilang kalakalan.
Salin: Liu Kai