|
||||||||
|
||
Lumisan ngayong hapon ng Beijing si premiyer Wen Jiabao ng Tsina papuntang Thailand para dumalo sa serye ng pulong ng mga lider ng silangang Asya. Ito ang isa pang mahalagang pagdalaw ng lider na Tsino pagkaraan ng G20 Summit sa London. Sa pulong, magkakasamang tatalakayin ni Wen at ng iba pang mga lider ang hinggil sa pagharap sa pinansyal na krisis at pagpapasulong sa komong pag-unlad. Ihaharap din ni Wen ang isang serye ng hakbangin at mungkahi ng Tsina hinggil sa pagpapasulong sa pagtutulungan ng silangang Asya. Sa palatuntunan ngayong gabi, pakinggan natin ang ulat hinggil dito.
Sa paanyaya ni PM Abhisit Vejjajiva ng Thailand, mula ngayong araw hanggang samakalwa, dadalo si Wen sa ika-12 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, ika-12 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at T.Korea, ika-4 na Samit ng Silangang Asya at mga lider ng Tsina, Hapon at T.Korea na idaraos sa Pattaya ng Thailand. Sa mga pulong na ito, bibigkas si Wen ng mahalagang talumpati para komprehensibong isalaysay ang paninindigan at palagay ng Tsina hinggil sa pagpapalakas ng pragmatikong pagtutulungan ng silangang Asya at magkasamang pagharap sa pandaigdig na krisis na pinansya.
Kaugnay ng biyaheng ito ni Wen, ipinahayag ni Hu Zhengyue, asisteteng ministrong panlabas ng Tsina na:
"Ang pagdalo sa serye ng pulong ng mga lider ng silangang Asya ni premiyer Wen ay isang mahalagang aktibidad na diplomatiko ng lider na Tsino sa paligid ng bansa at magdudulot ng positibo at pangmalayuang epekto para mapasulong ang pagtutulungan ng silangang Asya. Dadalo sa pulong ang panig Tsino batay sa diwa ng pagpapalakas ng kompiyensa at pagpapalalim ng pagtutulungan, aktibong tatalakayin, kasama ng mga kalahok, ang mga paksa at magkakasamang magsisikap para mapasulong ang pagtamo ng pulong ng positbo at pragmatikong bunga, mapataas ang kompiyensa ng pag-unlad ng mga bansang Asyano, mapasulong ang pragmatikong pagtutulungan ng rehiyon ng silangang Asya, aktibong mapangalagaan ang interes ng mga umuunlad na bansa at magkakasamang mapagtagumpayan ang mga hamong dulot ng pinansyal na krisis."
Sa pinansyal na krisis ng Asya na naganap noong mga 10 taon na ang nakararaan, nagkapit-kamay ang mga bansang Asyano para harapin ang mga hamon. Noong panahong iyon, ipinangako ng Tsina na hindi pababain ang halaga ng RMB. Lubos na pinapurihan ito ng mga bansang Asyano. Sa pulong na ito, malaki ang pag-asa na iniatang sa Tsina ng iba't ibang bansa ng silangang Asyano. Ipinalalagay ni Zhang Xuegang, dalubhasa ng China Institutes of Contemporary International Relations na:
"Sa kasalukuyan, malaki ang foreign exchange reserve at pamilihang panloob ng Tsina at malusog at maayos sa kabuuan ang kaayusang pinansyal. May pag-asang lalaki nang 8% ang kabuhayang Tsino sa taong ito. Kaya, naging komong palagay ng mga bansa ng silangang Asya na ang Tsina ay mahalagang puwersa para patuloy na mapatatag ang kabuhayan sa rehiyon at daigdig at ang paglahok ng Tsina ay magbibigay ng mas malakas na kompiyensa sa kabuhayang Asyano."
Sa pulong, lalagdaan din ng Tsina at ASEAN ang Kasunduan ng Pamumuhunan, ito'y sagisag ng matagumpay na pagtatapos ng talastasan hinggil sa malayang sonang pangkalakalan ng Tsina at ASEAN na ang konstruksyon nito'y matatapos sa 2010. Kauganay nito, sinabi ni Zhang na:
"Sa hampas ng kasalukuyang pinansyal na krisis, ang paglalagda ng Tsina at ASEAN ng kasunduang ito ay nagpapakitang palaging sisusunod ng Tsina ang prinsypyo ng paggagalangan, pagkakapantay-pantay at mutuwal na kapakinabangan para mapasulong ang pagtutulungan nila ng mga kapitbansa at mga bansang ASEAN. Hindi magsasagawa ang Tsina ng proteksyonismong pangkalakalan dahil sa pinansyal na krisis. Ibayo pang pasusulungin ang bukas na pamilihang ito para mapasulong ang pagtutulungan ng bilateral na kalakalan. Napakalaki ng katuturang simbolo at substansyal."
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |