|
||||||||
|
||
Pumasok ngayong hapon ang maraming demonstrador na kontra-gobyerno ng Thailand sa lugar na pagdarausan ng serye ng ASEAN Summit sa Pattaya. Dahil sa kaguluhan, kinansela ang naturang serye ng summit.
Nauna rito, ipinatalastas ng tagapagsalita ng tanggapan ng punong ministro ng Thailand na dahil sa pagblokeyo ng mga demonstrador sa mga daan, ipinagpaliban ang Summit ng ASEAN at Tsina na nakatakdang idaos ngayong umaga at pati ang mga iba pang summit. Kasabay nito, kinansela rin ang breakfast meeting ng mga ministrong panlabas ng Tsina, Hapon at Timog Korea.
Kinumpirma naman ng opisyal ng embahada ng Tsina sa Thailand na kinansela na ang serye ng ASEAN Summit at babalik sa bansa ang delegasyong Tsino mamayang hapon.
Pagkatapos ipinatalastas ni punong ministro Abhisit Vejjajiva ng Thailand ang emergency state sa Pattaya.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |