|
||||||||
|
||
Ipinahayag ni Abhisit na dahil sa kalagayang panloob ng Thailand, ipinasiya ng kanyang pamahalaan na ipagpaliban ang serye ng ASEAN Summit na nakatakdang idaos ngayong araw at bukas sa Pattaya. Anya, humingi ng paumanhin ang panig Thai sa mga kalahok na panig na kinabibilangan ng Tsina.
Ipinahayag ni Wen ang pagkaunawa sa desisyong ito ng pamahalaang Thai at umaasa siyang sa pamamagitan ng pagsisikap, mapapanatili ng panig Thai ang katatagan ng bansa, harmonya ng lipunan at kaunlaran ng kabuhayan. Ipinahayag din ni Wen na lubos na pinahahalagahan ng Tsina ang relasyon sa ASEAN, patuloy na palalakasin ang kooperasyon nila ng ASEAN at kakatigan ang integrasyon ng ASEAN. Anya, sa kasalukuyang kalagayan, ang pangunahing tungkulin ng kooperasyong Sino-ASEAN ay magkasamang pagharap sa krisis na pinansyal.
Inulit naman ni Abhisit ang kahandaan ng Thailand at iba pang bansang ASEAN na patuloy na pasulungin ang kooperasyon ng ASEAN plus Tsina at ASEAN plus Tsina, Hapon at Timog Korea.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |