Natapos kagabi ni premyer Wen Jiabao ng Tsina ang kaniyang pagdalaw sa Thailand at bumalik sa Beijing.
Sa bisperas ng paglisan ng Thailand, nakipagtagpo si Wen Jiabao kina PM Lee Hsien loong ng Singapore, pangulong Gloria Macapagal Arroyo ng Pilipinas at PM Thein Sein ng Myanmar.
Ayon sa dating itinakdang plano, dumalo si Wen Jiabao sa ika-12 pulong ng mga lider ng Tsina at ASEAN, ika-12 pulong ng mga lider ng ASEAN at Tsina, Hapon at Timog Korea, ika-4 na ASEAN Summit at pulong ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea.
Ipinahayag ni ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina na bamaga't hindi idinaos ang naturang serye ng pulong sa nakatakdang panahon, pananatilihin pa rin ng panig Tsino ang mahigpit na pag-uugnayan at pagsasanggunian nila ng ASEAN at iba pang may kinalamang bansa at mataimtim na isasakatuparan ang mga kooperatibong plano at hakbangin.
Salin: Li Feng