Sa Pattaya ng Thailand. Nagtagpo dito kahapon sina premyer Wen Jiabao ng Tsina, PM Aso Taro ng Hapon at pangulong Lee Myung Bak ng Timog Korea.
Buong pagkakaisang ipinahayag ng mga lider ng tatlong bansa na patuloy na palalakasin ang pagtutulungan ng tatlong bansa at pasusulungin ang pagtutulungan nila ng ASEAN, at inaasahan nilang sa loob ng kasalukuyang taon, idaraos sa Tsina ang ikalawang pagtatagpo ng mga lider ng Tsina, Hapon at Timog Korea.
Tinalakay din ng tatlong panig ang hinggil sa isyu ng paglulunsad kamakailan ng Hilagang Korea ng rocket. Buong pagkakaisang inulit ng tatlong panig na dapat patuloy na pasulungin ang proseso ng Six-Party Talks para maisakatuparan ang target ng walang-nuklear na Korean Peninsula.
Salin: Li Feng