|
||||||||
|
||
Ipinatalastas ngayong araw ni PM Abhisit Vejjajiva ng Thailand ang pagsasagawa ng pangkagipitang kalagayan sa kabiserang Bangkok at rehiyon sa paligid nito, at iniutos niya kay Suthep Thaugsuban, pangalawang PM, na komprehensibong mamahala sa suliraning panseguridad ng estado.
Nauna rito nang araw ring iyon, ipinahayag ni Abhisit Vejjajiva na isasagawa ng pamahalaan ang aksiyong pambatas sa mga demonstrador na nakaapekto sa serye ng samit sa Pattaya.
Ayon pa sa ulat, sinabi nang araw ring iyon ng panig pulis ng Thailand na naresto na ang isang lider ng United Front for Democracy against Dictatorship (UDD) sa demonstrasyon.
Salin: Li Feng
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |