|
||||||||
|
||
Nakipagtagpo kahapon sa Beijing si ministrong panlabas Yang Jiechi ng Tsina sa mga sugo ng sampung bansang ASEAN sa Tsina para ipaalam sa kanila ang mga ideya at mungkahi ng Tsina hinggil sa pagpapalakas ng komprehensibong kooperasyon nila ng ASEAN.
Ang naturang mga ideya at mungkahi ay kinabibilangan ng paglalagda sa kasunduan sa pamumuhunan ng Malayang Sonang Pangkalakalan ng Tsina at ASEAN, pagtatatag ng 10 bilyong Dolyares na kooperatibong pondo ng Tsina at ASEAN sa pamumuhunan, puspusang pagpapasulong ng infrastructure network ng Tsina at ASEAN, pagkakaloob sa darating na 3 hanggang 5 taon ng 15 bilyong Dolyares na pautang sa mga bansang ASEAN at pagsasaalang-alang ng pagkakaloob ng 270 milyong Dolyares na espesyal na tulong sa Kambodya, Laos at Myanmar, mga di-maunlad na bansa ng ASEAN.
Sinabi ni Yang na bagama't ipinagpaliban ang serye ng summit ng Silangang Asya, hindi nagbabago ang desisyon ng pamahalaang Tsino sa pagsasagawa ng naturang mga hakbangin. Ipinahayag din niya ang pananalig sa prospek ng pag-unlad ng ASEAN at kooperasyon ng Tsina at ASEAN.
Salin: Sarah
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |