|
||||||||
|
||
Nang araw ring iyon, ipinahayag ni Keiji Fukuda, Assistant Director-General ng World Health Organization, na sa kasalukuyan, walang batayang tinitiyak na mahahawahan ang tao ng swine flu pagkaraang hipuin ang karne ng baboy.
Ayon sa pinakahuling ulat ng Ministri ng Kalusugan ng Mexico, 8 pinaghihinalaang may-swine flu ang namatay kamakalawa at sa gayo'y tumaas na sa 81 ang bilang ng mga namatay sa buong Mexico.
Ayon pa sa ulat, pawang ipinatalastas na ng E.U., Rusya, New Zealand, Hapon, Venezuela at iba pang bansa ang public health emergency bilang tugon sa posibleng epidemiya ng swine flu.
Salin:Wle
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |