Ipinahayag kahapon sa Beijing ni Mao Qun'an, tagapagsalita ng Ministri ng Kalusugan ng Tsina, na aktibong kumikilos na ang kanyang ministri bilang tugon sa swine flu at humiling din ito sa mga organong medikal sa iba't ibang antas ng bansa na palakasin ang pagmomonitor at pag-uulat sa posibleng kaso.
Sinabi ng tagapagsalitang Tsino na sapul nang maganap ang swine flu sa Estados Unidos, Mexico at iba pang lugar, mahigpit na sinusubaybayan ito ng ministri ng kalusugan ng Tsina para maagapan ang salot.