|
||||||||
|
||
Sapul nang matuklasan ang kauna-unahang kaso ng swine flu sa Mexico noong ika-13 ng buwang ito, hanggang kahapon, 149 na tao ang namatay sa Mexico at 20 sa kanila ang kumpirmadong namatay sa swine flu. Samantala, umabot sa 1995 ang bilang ng mga taong pinaghihinalaang nahahawa ng swine flu sa Mexico.
Samantala, kumpirmado kahapon ng Espanya ang isang kaso ng swine flu at ito ang kuna-unahang kaso sa Europa. Sa Estados Unidos., Costa Rica, Peru, Pransya, Czech, Timog Korea, natuklasan din ang kumpirmado o pinaghihinalaang kaso.
Sa pagharap sa pagkalat ng swine flu, aktibong umaaksyon dito ang iba't ibang bansa.
Nagsimulang suspindihin kahapon ng Mexico ang mga klase sa lahat ng mga paaralan at kindergarten ng buong bansa para pigilin ang pagkalat ng swine flu. Sinimulan naman ng Costa Rica ang pambansang sistema ng pagmomonitor para agarang isapubliko ang hinggil sa epidemiya.
Bukod dito, magkakahiwalay ng isinagawa ng Peru, Pransya, E.U., Indonesya, Malaysia, Singapore at iba pang bansa ang hakbangin para maiwasan ang epidemiya.
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |