|
||||||||
|
||
Hanggang kahapon, patuloy na kumakalat ang swine flu sa ilang bansa at aktibong hinaharap ito ng mga bansa.
Kalagayan ng isang paliparan sa Manila
Halos 2000 ang bilang ng mga pinagdududahang nahawahan ng swine flu at 159 tao ang namatay sa Mexico. Sa E.U., may 65 na kumpirmadong kaso ng swine flu at may 13 kumpirmadong kaso sa Kanada. Sa New Zealand, di-kukulanging 3 tao ang tiniyak na nahawahan ng swine flu at sa Britanya Israel at Espanya, may dalawang kumpirmadong kaso naman at may isa pa sa Costa Rica. Bukod dito, may 91 na pinagdududahang kaso sa Australya, 42 sa Columbia, 6 sa Timog Korea at tumataas ang bilang ng mga pinagdududahang kaso sa iba't ibang bansa.
Paliparan sa Hapon
Ipinahayag kahapon ng World Health Organization na, hanggang sa kasalukuyan, hindi nito iminungkahi na isagawa ang pagbabawal sa paglalakbay at pagsasara ng hanggahan, ayon sa nagdaang karanasan, hindi mabisa ang nasabing hakbangin.
Dahil sa walang tigil na pagkalat ng swine flu, aktibong hinaharap ng iba't ibang bansa ang kalagayang epidemiko. Nag-aplay kahapon si Barack Obama, pangulo ng E.U., sa gebinete sa 1.5 bilyong dolyares na laang-gugulin para harapin ang swine flu. Ipinahayag naman ng EU na nakahandang magsagawa ng anumang hakbangin para pigilin ang swine flu.
Salin: Sissi
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |