|
||||||||
|
||
Ipinatalastas din ng pamahalaan ng Mexico na maglaan ng mahigit 120 milyong Dolyares bilang tugon sa epidemiya ng sakit na ito.
Napag-alamang ipinatalastas kahapon ng World Health Organization na mula araw ring iyon, ginagamit nito ang influenza A, sa halip ng swine flu, bilang pagtukoy sa kasalukuyang epidemiya.
Sa may kinalamang ulat, iniulat ngayong araw ng Timog Korea ang 2 bagong pinaghihinalaang kaso ng influenza A na kinabibilangan ng isang babaeng pinaghihinalaang may-sakit na nagkaroon ng pakikipagkontak sa isa pang pinaghihinalaang may-sakit na umuwi mula sa Mexico.
Ipinatalastas ng E.U. na daragdagan pa ng 13 milyong dosis na gamot na anti-virus ang estratehikong reserba ng bansa bilang tugon sa kumakalat na epidemiya. Magkahiwalay namang ginawa na ng Hapon at Singapore ang bagong kagamitan para sa madaling pagsuri sa virus ng influenza A.
Salin: Liu Kai
© China Radio International.CRI. All Rights Reserved. 16A Shijingshan Road, Beijing, China. 100040 |