Ayon sa pinakahuling ulat, pinarating ngayong madaling araw, local time, sa Mexico City ang unang pangkat ng tulong na materyal laban sa influenza A na ipinagkaloob ng pamahalaang Tsino sa Mexico. Ito ang kauna-unahang malaking pangkat ng tulong na materyal sa Mexico sapul nang maganap ang epidemiya.
Lumahok si pangulong Felipe Calderon ng Mexico sa seremonya ng paglilipat ng nabanggit na tulong na materyal sa paliparan at nagpahayag siya ng pasasalamat sa Tsina para sa pag-aabuloy ng mga tulong na materyal.
Salin: Liu Kai